31 • Tagaytay

549 27 15
                                        

Abrianna's POV

"Let's gooooo!" sabay sabay nilang sigaw bago sumakay sa van nila Darren.

"Ako na." mahinahon na sabi ni Darren at inabot ang aking gamit. Siya na ang naglagay nito sa loob ng bag nila. Oh diba, gentleman.

"Huy, pumasok na kayo!" sigaw ni Dhaylene sa amin na kanina pa nakaupo sa loob ng van.

"Opo madam. Eto na." sagot ko.

Pumasok na ako sa van at sumunod na rin si Darren. Si Darren ang katabi ni Sir Chris na magdadrive para sa amin.

Kami naman ay nakapwesto sa likuran nina Macey, Dhaylene, Mikee, Kessel at Dave.

Nang magsimula na ang aming pagbibiyahe, nanatiling tahimik lang ang lahat. Walang nagsasalita, may mga busy sa cellphone, meron ding natutulog. 5am palang kasi kaya feeling ko, inaantok pa talaga 'tong mga 'to.

Mga ilang minuto na rin kaming bumabiyahe pero alam kong matatagalan pa kami kaya naisipan kong matulog na lang rin.

Naglagay na lang ako ng headset sa aking mga tainga at nagpatugtog. Ipikit ko ang aking mga mata dahil inaantok pa din ako.

× × ×

Darren's POV

Sandaling napatitig ako sa mukha niya habang natutulog. Ang amo talaga ng mukha nito. Napatigil ako sa pagtitig sa kaniya nang bigla itong gumalaw. At doon ko naalalang kailangan ko na palang gisingin ito.

"Abby..." mahina kong sabi habang mahinang tinatapik ang braso nito.

Mahimbing pa rin siyang natutulog nang makarating na kami sa Tagaytay kaya ginigising ko na ito. Mukhang puyat ata 'to eh.

"Hmmm..." mahina niyang tugon nang magising. Dahan dahan niyang binukas ang kaniyang mga mata.

"Nandito na tayo sa Tagaytay. Bangon na." mahinahon kong sabi dito.

Umayos siya sa pagkakaupo at nag-unat.

"Kanina pa ba tayo nandito?" tanong niya.

"Hindi naman. Kakababa lang din namin. Ginising lang talaga kita." paliwanag ko dito.

"Ahh... Salamat." tugon niya sabay tingin sa aming mga kasama na kanina pa nasa labas ng van at panay picture at selfie.

"Hoy kayong dalawa, huwag nga kayong magsolo diyan." inis na sambit ni Mikee habang papalapit sa amin kasama ang iba.

"Ang bitter naman." sabat naman ni Kessel.

"Ehem." sabi naman ni Dhaylene.

"Tumahimik nga kayo." saway naman ni Abby sa mga ito.

Bahagya akong napatawa at napailing na lang. Ako na ang naunang lumabas ng van at sunod dito si Abby na inalalayan ko sa pagbaba.

"Ayang si Dhaylene, kanina ka pa pinipicturan niyan habang natutulog ka." pagsusumbong ni Macey.

Natawa kaming lahat at si Abby naman ay halatang nainis.

"Hay nako, Dhaylene. Alam ko namang idol mo ako pero privacy naman please. Huwag pati pagtulog ko pipicturan mo." seryosong sabi ni Abby na mas lalong ikinatawa naming lahat.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon