Darren's POV
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Maliwanag ang paligid at puting puti ito. Inikot ko ang paningin sa paligid at napatingin ako sa suot ko.
Nandito na naman pala ako sa lugar na pinakaayaw ko.
"Darren." mahinang sabi ng isang lalaki na kakapasok palang sa kwarto na si Tito Chris pala.
"Bakit po ako nandito?" nagtataka kong tanong dito.
"Saan ka ba nanggaling kanina?" seryoso nitong tanong sa akin.
"Sa p-park lang po." pagsisinungaling ko. Bakit? Park naman talaga yun ah? Tago nga lang.
Napabuntong hininga ito at napailing.
"Darren..." mahinahon nitong sabi. Napakunot naman ang noo ko at nagtaka sa mga reaksiyon niya.
"Nasa ospital na naman ako..." mahina kong sabi habang nakatingin sa paligid.
"Ayoko dito. Umuwi na tayo, Tito."
"Hindi pwede." sabi niya sa malamig na tono.
"Okay na po ako. Wala nang masakit sa akin. Pwede na akong makauwi diba?" pagpupumilit ko.
"Darren!" sigaw nya.
"Tito, ayoko dito. Okay naman ako eh." patuloy kong pagpupumilit.
"Hindi ka maayos, Darren." sabi niya sa galit na tono.
"Hanggang kailan mo ba balak takasan ang sakit mo, Darren?" dagdag niya.
Hanggang kailan nga ba? Kaya ko pa bang talikuran itong malaking pagsubok sa buhay ko na patuloy akong hinahabol?
× × ×
Abrianna's POV
Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako kay Darren. Kamusta na kaya siya? Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. Hindi din nagrereply sa texts ko. Parang gumaganti ata 'to sa akin ah.
Ikaw kasi eh, mas inuna mo pa yung iba kaysa sa kaniya.
Ang hirap kaya ng situation ko kanina! Ipit na ipit lang talaga ako kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang sa gusto nila.
Hay... Sana talaga hindi siya nagtampo.
× × ×
Nang magising ako ay 6AM palang. Agad kong kinapa kapa ang cellphone ko sa aking kama dahil nakalimutan ko nang ilapag ito sa aking study table dahil halos buong gabi ay hinintay ko ang reply niya o kaya man lang tumawag siya pero wala. Napuyat lang ako kakahintay sa wala.
Nang makita kung nasaan ang aking phone, nabigla ako nang makita na may message na pala si Darren.
From: Darren
Good morning. Secret Park. 7AM.7AM? Ganun kaaga?
To: Darren
Good morning! Sorry ngayon ko lang nabasa yung text mo. Kakagising ko lang eh. Bakit 7AM? Ang aga naman.Ang aga naman talaga. Bakit naman niya naisipan yung oras na yun? Naghintay ako sa reply niya pero limang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya nag-rereply. Napabuga na lang ako sa hangin at tumingin sa wall clock ng kwarto ko.
Siguro naman seryoso talaga siya na 7AM kami magkikita. Wala akong choice kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa aking kama at lumapit na sa aking closet para mamili ng susuotin ko.
