44 • Christmas Gift

408 17 11
                                    

Abrianna's POV

"Nagkaroon pa ng christmas break kung iiwanan din naman tayo ng tambak na outputs." iritadong sabi ni Mikee habang nagsusulat.

"Ako nga, ang dami pang aasikasuhin na articles eh." sabi ko naman. Isa kasi ako sa mga journalists ng school namin kaya very busy talaga.

"Shocks, nakakastress!" komento naman ni Kessel. Stress na stress ang loka, grade conscious kasi. Kaya nga top 1 namin 'yan eh.

"Paano ko kaya maeenjoy ang pasko kung kaharap ko ay ang nga libro?" sabi naman ni Dhaylene habang nakapalumbaba.

"Tapos eto pang si Mrs. Dizon, ang dami ding pinapagawa. Akala mo naman major subject ang TLE kung makaasta. Nakakaasar. Kung si Sir Chris siguro 'yan, hindi tayo iiwanan ng mga assignments nun." sabi ni Kessel.

"Nakakamiss tuloy si Sir Chris." wala sa sarili kong sabi.

"Si Sir Chris ba talaga o si Dar..." bago pa matuloy ni Mikee ang sasabihin niya ay tinignan ko na ito ng masama na dahilan upang mapatigil siya.

"Speaking of Dar...ren. Nasaan na kaya yun?" tanong ni Dhaylene.

Nagkibit balikat na lang ako at itinuon ang pansin ko sa aking isinusulat. Nandito kaming apat ngayon sa library. Tinatapos ang mga kailangang tapusin dahil bukas, last day na namin then sa January na ulit ang balik sa school. Christmas party na namin bukas, gusto kong ma-excite pero hindi ko magawa. Masakit isipin na hindi ko siya makakasama sa pasko.

"Patay malisya yung isa diyan." pagpaparinig ni Kessel. Hindi ko na lang sila pinansin. Nanahimik na lang rin sila at pinagpatuloy ang mga ginagawa.

Kapag nanahimik ako, it means ayoko talagang pag-usapan. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung umalis sila Darren. Everytime na madadaanan ko ang bahay nila, gusto kong magdoorbell palagi dito kahit alam kong wala nang tao dito. Nakakamiss. Tuwing pupunta ako sa park, mapa-secret park man 'yan o sa mismong park ng village namin, siya ang naaalala ko. Lalo naman dito sa school. Sa music room, sa court... Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang makausad sa buhay ko samantalang hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, kung anong ginagawa niya, kung maayos ba ang lagay niya.

Walang alam sila Mikee tungkol sa sakit ni Darren. Ang tanging alam lang nila ay umalis si Sir Chris kasama si Darren at pumunta sa lugar na hindi namin alam. I remained silent at kunwaring walang idea tungkol sa pag-alis nila. Sinabi ko lang na ayokong pag-usapan si Darren para makamove on ako dito pero ang totoo ay wala naman akong balak na magmove on dahil hinihintay ko lang ang pagbabalik niya. Araw araw, nagtetext ako sa kaniya. Kinakamusta siya at siyempre nagpapadala ako ng mga sweet messages kahit minsan ay paulit ulit na lang ang mga sinasabi ko. Kahit walang reply, hindi ako napagod. Alam kong nababasa niya 'yon. It seems like ako pa ang nanliligaw sa kaniya ngayon. Nakakatawang isipin pero ayos lang. Kailan lang niyang bumawi talaga sa akin pagbalik niya. Hmp.

× × ×

"Omg! Thank you Mika!" tuwang tuwang sabi ni Dhaylene kay Mika, kaklase namin. Si Mika kasi ang nakabunot sa kaniya sa exchange gift. And guess what? Isang wattpad book ang niregalo sa kaniya nito. Diba? Ang babaw ng kaligayahan. Palibhasa, adik sa wattpad.

"You're welcome! Merry christmas!" bati sa kaniya ni Mika saka umalis.

"Oh. My. Ghad." mahinang sabi naman ni Mikee.

"Bakit? Ano 'yan?" tanong ko sabay silip sa regalong natanggao niya.

"Yay! Sinasabi ko na nga ba." komento ni Kessel habang umiling-iling.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon