Nakatingin siya ngayon sa kawalan. Maraming tanong ang bumabagabag sa kaniya ngayon. Mga tanong na kahit kailan, baka hindi na masagot.
"Hindi mo ako kailangang kilalanin at mahalin. Hindi dapat ako maging parte ng buhay mo. Ayokong mapalapit ka sa isang taong siya rin mismo ang lalayo sa'yo 'pag nagtagal." mga salitang paulit ulit niyang naririnig sa kaniyang isipan.
Sa pag-ibig, kailangan mong sumugal. Hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo pero ang importante, sinubukan mo at lumaban ka.
"Handa na akong ipaglaban ka, pero ikaw yung umayaw. Ako mismo ang gumawa ng paraan para makilala mo ang sarili mo. Pinalaya kita, pinakita ko sa'yo kung gaano kaganda ang mundo at kung gaano kasarap ang mabuhay... Pero sa kabila ng lahat ng 'yon..." napabuntong hininga siya sa lahat ng kaniyang nasabi at hindi na lamang itinuloy ang mga gusto niyang sambitin. Nagmumukha na siyang tangang kinakausap ang sarili sa isang malawak at tahimik na parke.
Gulong gulo siya.
Hindi na alam ang gagawin.
Masakit.
Bakit kailangang maging ganito?
• • •
Yow guys! 😂 Sana magustuhan ninyo ang pinakaunang story ko dito sa Wattpad! 🤓 If may mga napansin kayong typos, sabihan niyo lang ako ah. Hahahahaha. Halabyu all! 💚
PS: Credits po sa lahat ng mga pictures na gagamitin ko dito sa story. Thanks! 😊