Abrianna's POV
"M-Macey?"
Lumingon siya sa akin at ako'y nginitian. Bahagya rin akong ngumiti pabalik pero nakaramdam ako bigla ng kaba.
"Good morning." nakangiti niyang turan.
"A-Anong pag-uusapan natin?" nauutal komg tanong dito.
Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya dahil kanina pa ako nakatayo sa may pintuan. Nasa terrace kasi siya ngayon at nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy.
"Kamusta?" tanong niya sa akin habang nakangiti pa rin.
"Kamusta ang alin?" nagtataka kong tanong.
"Ikaw, kamusta ka?" paglilinaw niya sa kaniyang tanong.
"Ayos lang. Ikaw?" tugon ko.
"Magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong ayos lang din ako." seryoso niyang tugon sa akin.
"B-Bakit?" tanong ko.
"Alam mo naman na sigurong plano talaga nila Mikee na iwan kayong dalawa ni Darren kahapon sa Skyranch diba?" panimula niya.
Dahan dahan akong tumango at mas lalong nagtaka dahil sa kaniyang tanong.
"Ayoko nang patagalin pa. Gusto ko lang naman tanungin ka...Gusto mo ba talaga si Darren?" tanong niya na ikinabigla ko.
"Macey, bakit mo naman tinatanong ya----"
"Yes or no lang ang hinihingi ko Anna." seryoso niyang turan.
"Alam mo nama---"
"YES OR NO?" pasigaw niyang tanong na dahilan para makaramdam ako ng takot.
Makikita mong parang galit na talaga siya pero pinipigilan lang niya ang sarili niya. Bakit niya kasi ako kailangang tanungin ng ganito? At bakit siya nagagalit nang ganito?
"No!" sagot ko dito.
Nagulat ako nang mahina itong tumawa.
"Ang galing mong magpretend!" nakangisi nitong sabi.
"H-Hindi naman talaga." tugon ko dito.
"Narinig ko ang lahat kagabi, Abrianna. Lahat lahat." seryoso nitong sambit.
Napatigil ako. So hindi nga siya tulog nun?
"Kaya kahit ilang beses ka pang magtry na magsinungaling, hindi mo na ako mauuto." dagdag niya.
Hindi ko mabasa ang emosyon na nakapinta sa mukha niya ngayon. Hindi ko malaman kung galit ito o ano.
"I'm so sorry kung nataasan kita ng boses. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." mahinahon niyang sabi.
"O-Okay lang. Ako ang dapat na humingi ng tawad kasi...sinungaling ako." tugon ko.
"Alam kong nabigla din kita sa tanong ko. Ang gusto ko lang naman ay yung katotohanan." sabi niya sabay humawak sa isa kong kamay.
"Nakausap ko na si Darren." mahina niyang sabi.
"At tinanong ko rin siya kung gusto ka ba niya...Gusto mo bang malam yung sagot?" tanong niya sa akin. Umiling ako.
"Hindi ka niya gusto." madiin nitong sabi.
"Dahil mahal ka na niya." dagdag niya na ikinabigla ko.
Wala akong masabi. Gusto ko siyang tanungin kung totoo ba ang sinasabi niya pero parang walang boses na lumalabas sa aking bibig nang makita ko ang reaksiyon ng mukha nito. Seryoso siya at alam kong sa oras na ito ay wala siyang panahon na makipagbiruan pa.
"Macey..." mahina kong turan nang makita kong nangingilid na ang luha sa mga mata nito.
Nakikita kong nasasaktan siya at hindi ko kayang pagmasdan kung paano masaktan ang kaibigan ko...nang dahil sa akin.
"Ang swerte mo. Mahal ka ng taong mahal ko." sabi niya sabay pilit na ngumiti pero makikita mo sa mga mata niya ang sakit.
Nakaramdam din ng kirot ang puso ko. Mahal niya pa rin pala si Darren pero naging manhid ako.
Paano ako magiging masaya sa balitang mahal din ako ng taong mahal ko kung ang kaibigan ko naman ang unang unang masasaktan dahil sa pagmamahal na 'to?
"Kaya ko naman siyang iwasan kung gusto mo. Pwede naman akong lumayo kung yun ang makakabuti." suhestiyon ko dito pero umiling siya.
"Hindi mo kailangang gawin ang mga yun. Masasaktan si Darren." aniya habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Alam mo bang sobrang hirap para kay Darren ang magtiwala pero nawala yung takot na yun nang dahil sa'yo. Natuto siyang makipagkaibigan sa iba. Natuto siyang makisama sa iba. Ang daming nagbago sa kaniya nang dahil sa'yo. Itinaas mo na siya kaya huwag mong hayaan na bigla na lang siyang bumagsak. Hangga't kaya mo, samahan mo siya na iexplore ang mundo. Ipakita mo sa kaniya na masayang mabuhay. Iparamdam mo sa kaniya na siya yung tipo ng taong masarap mahalin. Iparealize mo sa kaniya na hindi lahat ng tao, iiwan at sasaktan siya. Please." seryoso niyang sabi habang patuloy na pumapatak ang mga luha niya.
"Bakit ko naman kailangang gawin 'yan kung alam ko namang ikaw mismo ang pwedeng makagawa niyan para kay Darren?"
"Binigyan niya ako ng pagkakataon na gawin yun pero sinayang ko. Iniwan ko siya. Sinaktan ko siya. Ayoko nang mangyari pa ulit yun." tugon niya.
"Ang gusto lang ngayon ay sumaya siya. At alam kong ikaw ang tanging taong magpapasaya sa kaniya ngayon. Huwag mo nang sayangin pa ang pagkakataon. Mahal ka niya at mahal mo siya. Minsan lang dumating sa isang tao ang ganyang pagkakataon." sabi niya habang seryoso pa rin siyang nakatingin sa mga mata ko.
Wala akong masabi. Walang sapat na salita para maipaliwanag ko ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako para kay Macey dahil alam kong sobra itong nasasaktan ngayon. Nararamdaman ko kung gaano niya kamahal si Darren. At alam kong mahirap ito para sa kaniya. Hindi ko na rin mapigilan na mapaluha dahil sa nakikita ko. Nasasaktan ang kaibigan ko at ako ang dahilan ng sakit na nararamdamn nito.
"Anna! Huwag ka ngang umiyak!" saway nito sa akin at pinunasan ang luha ko.
"Dapat nga masaya ka ngayon eh." dagdag nito.
"Paano ko naman magagawang magpakasaya kung nakikita kitang nasasaktan?" malungkot kong turan.
"Nagmahal ako eh, siyempre masasaktan ako. Parte naman ng pagmamahal yung sakit eh. Sa una lang 'to. Balang araw, mawawala din lahat ng kirot na nararamdaman ko ngayon. At tsaka hindi naman porket nasasaktan ako, bawal ka nang maging masaya. Siyempre bilang kaibigan mo...kaibigan ni Darren...gusto ko lang na mapasaya kayo kahit masakit sa akin." tugon niya sabay pilit na ngumiti.
"Macey naman eh." ang tanging naisagot ko na lamang at hindi na napigilan ang pag-iyak.
Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik. Ramdam ang sakit. Kung pwede ko lang tanggalin ito sa kaniya, kanina ko pa ginawa.
Ilang segundo din kaming nag-iyakan habang magkayakap. Bakit ba kasi ganito kasakit ang pag-ibig?
Naramdaman ko ang paghinga nito nang malalim bago magsalita.
"Basta yung puso niya...alagaan mo." bulong niya sa akin habang nakayakap pa rin at tumango ako at ngumiti nang mapait.
Ganun pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Makakalimutan mo ang sarili mong kasiyahan. Ang tanging nasa isipan mo lang ay kung paano mo siya mapapasaya kahit pa sa kasiyahan na yun ay maging dahilan ng pagkasira ng puso't damdamin mo.
• • •
Babawi na talaga sa updates. Hahaha. Ayokong magpromise basta gagawin ko. Labyu all! Vote din kayo sa Push ah! 😚💚
TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden
