Abrianna's POV
"Anak, labas ka muna diyan. May bisita ka." sambit ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
"Sige po, Mama. Wait lang po." sagot ko dito.
"Okay, bilisan mo." dagdag naman ni Mama.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga.
Sino naman kaya ito? Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader ng aking kwarto. 8:30pm na.
Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba at nagtungo sa sala.
Nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa aming sofa.
Si Darren.
Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Bakit ka nandito?" tanong ko dito.
"Ang sungit mo naman. Akala ko ba friends na tayo?" natatawa niyang tugon.
"Gabi na. Sagutin mo na lang yung tanong ko." seryoso kong sambit sa kaniya.
Nagkukunwari akong inis para matakpan ang kilig na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga ngiti nito. Bakit ba kasi palaging parang ang fresh niyang tignan? Yung kahit ang simple ng suot niya, ang lakas ng dating? Argh. Nakakainis.
Tumayo siya at doon ko lang napansin na may hawak pala siyang papel.
"Kakauwi lang ni Tito kanina, at ibinigay niya sa akin 'to. Pinapaabot daw ni Ma'am Sherly sa atin." panimula niya at ibinigay sa akin ang papel na hawak niya at tinanggap ko naman ito.
"Two copies 'yan. Tig-isa tayo. Ayan yung sa'yo. Dumaan lang ako dito para ibigay 'yan." dagdag niya.
Napatingin naman ako sa papel na ibinigay niya na hawak ko na ngayon.
"Bakit Ngayon Ka Lang?" tanong ko dito nang makita ko ang title ng kanta, lyrics pala ang nasa photocopy na ito.
"Huh? Bakit ngayon lang ako?" tanong niya sabay bahagyang natawa.
Inirapan ko lang ito. Ang corny.
"Bakit? Ayaw mo ba ng kantang 'yan?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman. Akala ko kasi English yung kakantahin natin." tugon ko.
"Hmmm... Actually... Isang OPM song ang kakantahin natin which is ayan then isang English song." pagpapaliwanag niya.
"Ano yung English song?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit kayo nakatayo? Umupo kayo." pagsita sa amin ni Mama habang naglalagay ito ng juice sa lamesita.
Sinunod naman namin siya. Nauna akong umupo sa kaniya at tumabi naman ito sa akin.
"Okay, balik tayo sa topic." sabi ko.
"Ano yung English song?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Tayo na daw ang bahala." nakangiti niyang sagot.
"K-Kahit anong song?" tanong ko.
Tumango siya.
"Basta English." natatawa niyang turan.
"Sabi ko, dadaan lang ako dito eh. Sige, mauna na ako." dagdag niya sabay tumayo.
"Sige, salamat ah." nakangiti kong sambit.
"Saan?" tanong niya.
"Kanina." sabi ko sabay tawa.
"Ahh. Yung sa park?" sabi niya.
"Sssshhh... Baka marinig ka ni Mama. Hindi niya alam na nakarating ako dun. Baka pagalitan ako." pabulong kong sambit sa kaniya.
Natawa naman siya at tumango tango.
