Abrianna's POV
"Why are you late?" bungad na tanong sa akin ng first subject teacher namin na si Ma'am Jessica.
Naku patay! Masungit pa naman 'to! Bakit kasi hindi ko narinig yung alarm ko? Argh!
"Ms. Abrianna Estrella, bigyan mo ako ng acceptable reason kung bakit ka late para paupuin na kita." mahinahon pero medyo may galit niyang sabi.
Nakatungo pa din ako. Alam kong lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin ngayon at baka may mga nagtatawanan pa.
"Ms. Estrella!!!" sigaw niya sa akin na nakapagpanindig sa aking nga balahibo.
Lord, help me.
"Kung ayaw mong sumagot, pumunta ka sa Library ngayon! Nag-iinit ulo ko. Bilis! Labas na!" pagpapaalis niya sa akin habang nakaturo sa pinto ng classroom namin.
No choice. Lumakad ako papunta sa pintuan ng classroom namin nang nakayuko dahil sa kahihiyan.
Nang makalabas na ng room, medyo nawala ang tense na kanina ko pa nararamdaman dahil sa bruhang teacher na yun.
Makapunta na nga lang sa library.
× × ×
Darren's POV
Lumabas ako sa TLE room dahil wala naman na akong gagawin doon dahil lahat ng iniutos ni Tito Chris sa akin ay nagawa ko na.
Tahimik akong naglalakad patungo sa CR nang biglang may isang babaeng nakapukaw ng atensiyon ko.
Bakit siya nandito?
Natigilan ako sa pagtitig sa kaniya nang biglang nagtama ang mga paningin namin.
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at tumalikod sa kaniya.
Nagtungo na ako sa CR.
Nang makapasok sa CR, tumingin ako sa salamin at napasabunot sa aking buhok.
Naiinis ako!
Napahawak ako sa dibdib ko...
Okay na 'to eh, unti unti nang nabubuo ulit. May balak ka bang sirain ulit?
× × ×
Abrianna's POV
Nandito pa rin ako ngayon sa Library. Hindi pa tapos ang time ni Ma'am Jessica kaya hindi pa ako pwedeng bumalik sa room. Sa second subject na ako papasok.
"H-Hi?"
Tahimik akong nagbabasa ng libro nang may biglang nagsalitang babae sa likod ko.
Nilingon ko ito at nginitian...
"Hello po!" nakangiti kong sabi sa kaniya.
Ngumiti ito pabalik at umupo sa tabi ko.
"Sorry kung feeling close ako ah? Kakaenroll ko lang kasi dito." pagpapaliwanag nito.
"Ahh. So tranferee ka pala?" tanong ko at tumango naman siya.
"I'm Abrianna, but you can call me Anna. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko.
"I'm Macey." nakangiti niyang sagot.
"Anong section mo?" tanong ko.
"Sa... Grade 10 Section Amethyst daw ako eh. Kaso hindi ko alam kung saan yung room na yun. Pwede mo ba akong samahan? Kanina pa ata nagsisimula ang klase eh." paliwanag niya.
"Kanina pa nga nagsisimula... Teka! Magkaklase tayo! Sasamahan kita mamaya, pero sa ngayon dito muna tayo." masaya kong sambit.
Magaan itong kausap at nakangiti lang ito palagi. Mukhang siyang mabait at mukhang magiging isa na naman ito sa mga bestfriends ko! Haha.
"Talaga? Buti na lang, atleast may kakilala na ako kahit isa. Thank you, Anna ah! Kaso diba kanina pa nagsisimula ang klase? Bakit mamaya pa tayo pupunta?" nagtataka niyang tanong.
Ikinuwento ko sa kaniyang ang nangyari, kung bakit ako nasa library ngayon at kung bakit ako na-late.
"Kaya naman pala." tugon nito.
Biglang tumunog ang cellphone niya at kinuha niya ito mula sa loob ng kaniyang bag. At dahil nasa library nga kami ngayon, isinaksak niya ang headset niya upang sila lang ang magkarinigan ng kaniyang kausap.
"Excuse me lang ha?" sabi niya at sinagot kung sino man ang tumatawag sa kaniya.
Napalingon naman ako sa kaliwa ko nang biglang may isang lalaking pamilyar ang nakadungaw sa bintana ng library.
Nag-iwas agad ito ng tingin at umalis.
Hindi ako nagkakamali. Si Darren yun, sure ako!
Pero bakit parang nakatingin ito sa pwesto ko...namin?
Kanina pa siya ganyan. Kanina bago ako makapasok sa library, nakita ko rin siyang nakatingin din sa pwesto ko pero nang aksidenteng napalingon ako at nang magtama ang mga mata namin, nag-iwas ito ng tingin at tumalikod.
Anong meron?
Crush rin ata ako nito eh.
"Anna?" pagtawag sa akin ng babaeng nasa kanan ko na nakapagpatigil sa akin sa pagiisip ng kung ano ano.
"Ano yun?" tanong ko rito.
"S-Sino yang Darren na nagtext sayo?" tanong niya na ikinagulat ko naman.
Darren? Nagtext? What?
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa table sa harap namin at may nakalagay na "Darren sent you a message" sa screen.
Nagtext ang mokong. Crush nga ako nito!
Binuksan ko ang message niya at napaawang ang bibig ko nang mabasa ito at napatingin sa katabi ko...
From: Darren
Magkakilala kayo ni Macey?• • •
Hi guys! Sorry talaga kung super natagalan sa pag-uupdate kasi busy sa school tapos nagkasakit pa si ako. Huhu! Pero thanks sa mga nagrerequest na magupdate na ako at sa mga nag-hihintay talaga. Love na love ko kayo!!! 💚
TW: tsinigowden
