Darren's POV
"May gusto ka bang puntahan o kahit na anong plano para sa sembreak? Malapit na ah." tanong sa akin ni Tito Chris.
"Wala po tito. Magpapahinga na lang po ako sa bahay." sagot ko.
"Magkukulong ka na naman sa kwarto mo buong araw. Hay naku, Darren." seryosong sambit nito.
"Alam niyo naman po ako, Tito." tugon ko.
Masaya naman kapag may kasama pero mas gusto kong mag-isa. Siguro nasanay na lang rin talaga ako. At kapag mag-isa ka lang, marami kang pwedeng gawin, makakapagisip isip ka nang mabuti tsaka tahimik lang.
"Eh yung mga kaibigan mo, may plano na ba?" tanong niya.
"Wala pa po silang nababanggit." tugon ko.
Wala pa naman silang nasasabi na may gagawin sila ngayong sembreak pero sigurado akong may pagkakabusyhan ang mga yun. Palagi kaya silang nagpupunta sa kung saan saan, ako naman 'tong palaging hindi sumasama at tumatanggi.
× × ×
Abrianna's POV
"Bakit naman sa Tagaytay pa? Pwede namang sa Laguna o sa ibang lugar." pagrereklamo ni Mikee nang sabihin kong gusto kong sa Tagaytay kami magspend ng sembreak.
"Maganda kaya sa Tagaytay." sabat ni Dhaylene.
"Tsaka hindi pa ako nakakapunta dun kaya okay lang sa akin na doon tayo." pagsang-ayon naman ni Kessel.
"Ayun naman pala. Huwag ka nang umarte, Mikee." pangaasar ko dito.
"Si Dave, hindi mo ba iimbitahan?" tanong ni Macey.
"Ay jusko huwag na yun. Baka hindi pa natin maenjoy yung escapade natin." inis na turan ni Mikee.
"Okay lang naman sa akin kung isasama si Dave, iniisip ko lang kung okay lang sa inyo?" tanong ko sa kanila.
"HINDI!" sabay sabay nilang sigaw na dahilan para takpan ko ang aking mga tainga.
"Oo na! Oo na! Ang sama niyo talaga kay Dave!" saway ko sa mga ito.
"Mabait naman si Dave...minsan." natatawang sabi ni Macey.
"At kahit kailan, hindi naging madalas ang minsan doon. Ayos naman yung Dave na yun dati, ewan ko ba kung bakit biglang nagbago." seryosong turan ni Dhaylene.
"Pain makes people change." wala sa sariling sabi ni Kessel.
"Para kay Dave ba yan o sayo?" pangaasar ni Mikee dito at ikinatawa naman namin itong lahat. Heartbroken kasi 'tong si Kessel ngayon. Hahahaha.
"Naku, wag niyong ginaganyan yang si Kessel." natatawa kong saway sa kanila.
"Okay, balik tayo dun sa topic natin kanina... Si Darren, isasama ba natin?" tanong ni Macey.
Eh siya nga dahilan kung bakit tayo pupunta dun eh!
"Bahala kayo...Kung gusto niyong isama." tugon ko.
"Haysus. Eh sa mall nga, hindi natin mapasama sama yun, out of town pa kaya?" sabi ni Dhaylene.
"Sabagay." tipid kong sagot.
Naku! Masisira ang plano ko kapag hindi sumama si Darren sa Tagaytay! Sana talaga pumayag siya.
"Speaking of..." mahinang sabi ni Kessel at napabaling kami sa lalaking paparating ngayon...Darren.
![](https://img.wattpad.com/cover/113881536-288-k299995.jpg)