Abrianna's POV
"Eh ginusto mo yan eh." nang-aasar na sambit ni Mikee.
Ang supportive talaga ng mga kaibigan ko grabe, nakakatouch! Grrr.
Nandito kami ngayon sa park ng village namin. In-invite din kasi sila ni Sir Chris sa birthday party niya. Nang matapos silang kumain doon ay nagpaalam na kami na may gagawin pa kaming assignments. Pero ang totoo ay gusto ko lang umiwas sa dalawa... Kay Macey at Darren. Pati ang mga kaibigan ko ay nagulat nang makita nilang ganun na kahyper si Darren nang makapag-ayos sila ni Macey.
"Kamusta puso?" tanong ni Dhaylene.
"Huh? Okay naman. Bakit?" pag-sisinungaling ko.
"Talaga ba?" pang-aasar naman ni Kessel.
"Oo nga. Bakit? Ano bang dapat kong maramdaman?" seryoso kong tanong.
"Kaibigan mo kami. Alam namin kung masaya ka talaga o nasasaktan ka. Wag ka nang magdeny, girl." sabi ni Mikee.
Tama siya. Kahit hindi ko ipahalata, alam kong mararamdaman pa rin nila yun dahil kaibigan ko sila.
"Ano ba kasing nangyari sa dalawa?" pag-uusisa ni Dhaylene.
"Hindi ko alam. Wala akong alam." tugon ko sa malungkot na tono.
Oo nga pala, wala nga pala akong alam. At wala akong karapatan na mangialam.
"Ouch." nang-aasar na sabi ni Dhaylene.
Tumahimik na lang ako at tumingin sa mga taong namamasyal at dumadaan sa park.
"Abrianna!" sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit sa pwesto namin kasama ang isa pang lalaki, ang lalaking kanina pa gumugulo sa isipan ko.
"Oh Macey! Nandito pala kayo!" sambit ko sabay ngiti.
Great pretender, huh?
"Yeah. Nabored na rin kasi kami dun kila Darren, puro mga adults na rin kasi halos ang nandoon. Kaya nagdecide kami na pumunta dito." sagot ni Macey.
"Ahhh..." maikli kong tugon.
"Uhm... Guys. Uuwi na rin pala kami." biglang sabi ni Mikee.
"Oo, may pupuntahan pa kami. Tsaka baka pagalitan na kami ng mga parents namin kasi mag-aala-singko na." dagdag pa ni Kessel.
Ano na namang bang trip ng mga 'to?
"Ako din. Uuwi na ako." sabi ko.
"Huh? Agad? Kakadating lang namin eh." sabi naman ni Macey.
"Huwag ka na munang umuwi, Anna. Ang lapit lapit lang naman ng bahay mo. Samahan mo muna sila. Huwag mong iwan sila Darren at Macey dito." suhestiyon ni Dhaylene
Aba! Ibang klase ding mag-suggest 'tong si Dhay! Lagot talaga sakin 'to bukas.
"Yep. Please?" sabat naman ni Macey para bang nagmamakaawa talaga ito.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango.
Nagpaalam na ang tatlo at sabay sabay lumisan.
"So... Kamusta?" pagsisimula ko.
Agad namang ngumiti si Macey samantalang si Darren ay nakaserious look lang ito.
Namimili ba siya ng taong ngingitian?
"Okay na talaga kayo?" nakangiti kong tanong.
Okay lang, walang kayo.
"Yeah." biglang sagot ni Darren.
"Yay! Buti naman!" masaya kong sambit.
Galing mong umarte, Anna! Ang galing!
"Upo tayo?" pag-aaya ko sa dalawa at tinuro ang bench na kanina ay inuupuan naming magkakaibigan.
Sumunod naman sila at sabay sabay kaming umupo rito. Nasa gitna nila akong dalawa. Nasa kanan ko si Macey, at nasa kaliwa ko naman si Darren.
Isang katahimikan ang nanaig sa aming tatlo. Tanging mga tao sa paligid at tunog ng mga sasakyan ang maririnig mo.
"Thank you, Anna." nakangiting sabi ni Macey habang nakatingin ito sa akin.
"B-Bakit? Para saan?" nagtataka kong tanong.
"Dahil sa'yo, nagkausap kami ni Darren at nalinaw na namin ang lahat." aniya sabay tingin kay Darren.
Napalingon ako kay Darren at nakita ko 'tong ngumiti sa akin.
Kikiligin na sana ako, kaso dapat pigilan. Nakakamatay ang kilig.
"Ahhh... Yun ba? W-Wala yun. Happy ako na nagkaayos na kayo. Sabi ko naman diba, madadaan naman 'yan sa maayos na usapan eh." nakangiti kong sagot.
I can't take this anymore. Ayoko nang mag-kunwari pa!
"Kamusta ang party ni Sir Chris?" pag-iiba ko ng topic.
"Ayun, masaya naman. Bakit ka nga pala umalis kaagad? Kayo ng mga kaibigan mo?" tanong ni Macey.
"Nakakahiya kasi tsaka may ginawa pa kasi kami kaya ayun..." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Napalingon ako kay Darren na nasa kaliwa ko. Tahimik lang pala itong nakikinig at nakatingin sa amin habang nag-uusap.
"Ang tahimik mo naman." pagpuna ko sa kaniya.
Hindi ito nagreact at umiwas ng tingin. Suplado.
"Naku, hayaan mo 'yan. Ganyan talaga 'yan. Tahimik sa harap ng ibang tao pero hindi mo lang alam, hyper din 'yan!" natatawang sambit ni Macey habang nagkukuwento.
"Mas hyper ka sa akin." biglang sabat naman ni Darren.
"Ewan nga." sagot naman ni Macey.
Okay, so anong role ko dito? Third wheel, ganon?
Nagkunwari akong umubo at napatigil ang dalawa sa pag-aasaran.
"Ang sama talaga ng pakiramdam ko kanina pa. Okay lang bang maiwan ko na kayo dito? May pasok na din kasi bukas, kailangan ko nang magpahinga. Ayokong mag-absent." paliwanag ko sa kanila.
"Ah, ganun ba? Sige. Ingat sa pag-uwi ah! Magpagaling ka." nakangiting tugon ni Macey.
Tumayo ako at aksidenteng napatingin ako kay Darren. Ngumiti na naman ito sa akin.
Pigilan niyo ko please.
"S-Sige. Mauna na ako ah? Kita kits na lang bukas, Macey!" pagpapaalam ko.
"At Darren..." dagdag ni Macey sabay tingin kay Darren.
Napakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin nun? Sa pagkakaalam ko ay hindi nag-aaral si Darren. Nabanggit sa akin ni Sir Chris.
Hindi na ako nag-abala pang magtanong at tuluyan na akong umalis sa park at naiwan ang dalawa.
Nang medyo makalayo na ako, lumingon ako para tignan ang sila.
Makikita mo sa mga mata nila ang kasiyahan. Kanina naman ay napakapormal nilang dalawa noong kasama pa nila ako pero nung umalis na ako, doon na sila nagsimulang magkulitan. Lumalabas yung totoong sila kapag sila ang magkasama.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Yung ngiting pinaghalong kasiyahan at kalungkutan.
Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Maayos na ang dapat maayos. Dito na yun nagtatapos. Masaya na sila, hindi ko na guguluhin pa.
Tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Masaya akong makita kang masaya, kahit ang dahilan ng kasiyahan na yun ay iba.
• • •
Happy 1k reads!!! Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! Nakakaiyak yung support ninyo! (Naks, ang OA hahahahaha) And shoutout sa dakilang bestfriend ni Abrianna dito sa Fanfic at ni Cheenee na author nito, happy birthday Kessel! 😆 Yun lang... Love you all! 💚
TW: @tsinigowden
