Abrianna's POV
"Kaya mo 'yan!" nakangiti kong sabi kay Macey nang tinawag na siya ni Ma'am Sherly para magperform sa unahan.
"Thank you!" nakangiti niya ring tugon at naglakad patungo sa unahan.
Tumugtog ang minus one niya at nagsimula itong kumanta na dahilan upang tumahimik ang buong klase.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehowWow. Isa din ito sa mga favorite kong love songs. Hindi niya sinabi sa akin kung anong kakantahin niya at ganun na din ako para daw surprise. Napapasabay tuloy ako sa pagkanta niya.
One step closer
At sa parteng chorus na ay napasabay na rin halos ang buong klase...
I have died every day
Waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a thousand more..."Ssshhh..." saway sa amin ni Ma'am Sherly dahil hindi na marinig ang boses ni Macey.
Sumunod naman ang aking mga kaklase at nangibabaw muli ang magandang boses ni Macey. Ang ganda ng boses nito at full of emotions. Kinabahan tuloy ako bigla dahil sa tingin ko ay mas magaling ito sa akin at baka siya pa ang mapili ni Ma'am. Pero napag-usapan naman namin ni Macey na kung sino man ang mapili sa aming dalawa, walang samaan ng loob. At tsaka sa tingin ko ay hindi ko din kakayanin ang humarap sa maraming tao kapag ako ang napili kaya mas gugustuhin ko na rin na si Macey ang mapili.
"Thank you po." sambit ni Macey nang matapos siya sa pagkanta at nagpalakpakan ang lahat.
"Okay, Ms. Estrella, are you ready?" tanong ni Ma'am Sherly sa akin.
"I have no choice, Ma'am." natatawa kong sagot kay Ma'am.
"Galingan mo!" nakangiting sabi sa akin ni Macey na kakabalik lang sa kaniyang upuan.
"Salamat!" sagot ko sabay tayo at nagtungo na sa harapan.
Huminga ako nang malalim at tinignan ang buong paligid. Lahat sila nakatingin sa akin. Nanginginig ako at nanlalamig ang mga kamay ko. Kinakabahan ako...
"Go Anna!" sabay na sabay na sigaw nila Kessel, Dhaylene at Mikee.
Alam siguro nila na kinakabahan ako kaya chini-cheer nila ako ngayon... Napangiti tuloy ako.
Hingang malalim ulit... Kaya mo 'to, Anna. Go lang!
Tumugtog na ang minus one at may kaba na naman akong naramdaman pero kailangan ko nang simulan ang pagkanta...
We're soarin', flying
There's not a star in heaven that we can't reach
If we're tryin', so we're breakin' freeTahimik lang silang nakikinig at nanonood sa akin.
You know the world can see us
In a way that different than who we are
Creating space between us, 'til we're seperate hearts
But your faith, it gives me strength
Strength to believeNang makarating ako sa chorus ay sabay na sabay silang nagca-clap sabay sa beat ng kanta...
We're soarin', flyin'
There's not a star in heaven that we can't reach
If we're tryin', yeah, we're breakin' free
Oh, we're breakin' free! Oh...Nawala ang kaba na nararamdaman ko kanina nang makita kong tila ba'y nag-e-enjoy sila sa performance ko at ako din ay parang sinapian din ng pagkahyper nang dahil sa energy sa paligid.
