7 • Bracelet

592 36 6
                                        

Abrianna's POV

"May kakilala k-ka ding D-Darren?" nauutal kong tanong sa kaniya nang mabasa ang text ni Darren sa akin.

Tumango lamang siya at nawala ang ngiti sa mga labi.

Anong meron sa dalawang ito?

"Malay mo naman hindi sila iisa diba." natatawa kong sabi para gumaan ang tensyon na nararamdaman ko.

"Nakita ko siya kanina. Pakiramdam ko ay iisa lang ang lalaking hinahanap ko at ang lalaking nagtext sa'yo." sabi niya sa mahina at makungkot na tono.

"H-Hindi ka nga nagkakamali. Iisa nga lang sila." pag-amin ko.

"Tinatanong ni Darren sa akin sa text kung magkakilala daw ba tayo." dagdag ko.

"Ahh..." tipid niyang tugon.

Parang nawala yung masayang presensya na kanina'y nangingibabaw. At nang dahil kay Darren yun. Ano bang meron sa dalawang ito at parang feeling ko ay maiipit ako?

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong oras na pala ng second subject namin.

"Uhm... M-Macey? Second subject na natin. Tara na?" pag-aaya ko dito.

Matipid itong ngumiti at tumayo mula sa kinauupuan niya tsaka sinundan na akong lumabas sa library at naglakad patungo sa classroom namin.

Habang naglalakad kami, nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

"Kaklase ba natin siya?" tanong niya.

Kahit wala siyang banggiting pangalan, alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Umiling lang ako at ngumiti.

Kung ano man ang mayroon sa dalawang ito noon at ngayon, nararamdaman kong mabigat ito kaya kakailanganin kong dumistansya.

× × ×

Kaya love na love ko itong last subject namin eh, palaging ang aga magpalabas ng estudyante. Tamad din kasi. Haha!

"Huy Anna, una na ako ah? Nagmamadali na kasi ako." pagpapaalam ni Kessel sa akin.

Tumango ako at nagwave na sa kaniya nang makalayo siya.

"May group project pa kaming kailangang tapusin." sabi naman ni Mikee.

"Oh diba? Iniwanan na naman tayo." sabi ni Dhaylene na may pailing iling pa.

"Hi guys!" bungad ni Macey sa amin na tumatakbo papunta sa amin ni Dhaylene.

"Hello." tipid na tugon ni Dhaylene dito. Siniko ko naman siya at pinandilatan. Maldita talaga 'to. Haha!

"Yow! Sabay ka na sa amin?" pag-aaya ko.

"Aray!!!" pagrereklamo ko nang bigla akong kurutin ni Dhay sa tagiliran ko. May sapak talaga 'tong babae na 'to.

"S-Sure." sagot naman ni Macey nang nakangiti.

Napatingin ako sa bracelet na nahulog mula sa bulsa ng palda niya.

Pinulot ko ito at iniabot sa kaniya pero umiling siya.

"Sa'yo 'to diba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, pero ayoko nang suotin 'yan. Sayo na lang kung gusto mo." sabi niya sabay ngiti.

"Naku wag na." pagtanggi ko sa kaniya.

Kinuha niya ang bracelet mula sa kamay ko pero isinuot niya ito sa akin.

"Bilang thank you na rin dahil ikaw ang una kong naging kaibigan dito." nakangiti niyang sabi.

"Welcome. At thank you rin." sabi ko nang nakangiti rin.

"Ay nakalimutan ko pala ang math notebook ko sa armchair ko! Babalikan ko lang ah." sabi niya at akmang tatalikod na ito sa amin pero pinigilan ko siya...

"Samahan na kita?" pag-aaya ko.

"Wag na. Bibilisan ko na lang." pagtanggi niya at tsaka umalis.

"Bakit ang bait mo sa karibal mo?" biglang tanong ni Dhaylene nang makaalis si Macey.

"Baliw! Paano mo naman nasabing karibal ko yun?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"Siyempre... Basta. Feeling ko may past yung dalawa eh." seryoso niyang sagot.

Napaisip din ako sa sinabi ni Dhay. Paano kung meron nga? At kung meron man, ano namang pake ko dun? Labas na ako doon siyempre.

"Kanino yan?"

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may lalaking nagsalita sa harap namin.

Itinuturo niya ang bracelet na bigay ni Macey sa akin na nakasuot ngayon sa aking pulso.

"S-sakin. Bakit?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Nakasuot na naman ito ng puting sunbrero. Yung sumbrerong suot niya nung una kaming magkita...nung una ko pala siyang makita.

"Hindi sa'yo yan." seryoso niyang turan.

Nanginig ang kamay ko. Paano niya nalaman na hindi talaga sa akin yun?

Baka...

"Sa akin na 'to kasi bigay na sa akin ni Macey 'to." sabi ko.

"Sabi na eh." tipid niyang sagot.

Napailing ito.

"Kapag hindi sa'yo, huwag mong aangkinin." dagdag pa niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang may iba siyang ibig sabihin dito.

"Sa kaniya na yan kasi nga ibinigay ko na." biglang sabi ni Macey na nasa likuran na pala ni Darren.

Lumingon si Darren dito at nang magtama ang mga mata nila, may tensyon akong naramdaman.

"Ganun na lang pala kadali sa'yo yun noh?" malamig na sabi ni Darren kay Macey.

Wala kang makikitang emosyon sa mukha ni Darren. Hindi mo alam kung galit siya o ewan.

"Hindi ka pa rin nagbabago." sabi ni Macey at napailing.

"Ikaw lang naman ang nagbago." sagot ni Darren sabay tinanggal ang kaniyang sumbrerong puti at ipinatong niya ito sa ulo ni Macey.

"Yan ang gusto mo diba." sabi niya sabay talikod kay Macey.

"Kung ikaw kaya mong ipasa sa iba yung mga bagay na ibinigay sa'yo. Pwes, ako hindi. Hindi ko kayang ibigay sa iba pero kaya kong ibalik sa'yo." dagdag pa ni Darren at tuluyan nang umalis.

Tumiklop ang kamao ni Macey at makikita mo sa mga mata niya ang naghahalong mga emosyon. Galit at sakit.

Nakita kong may tumulong luha mula sa kaniyang mga mata pero agad niya itong pinunasan.

Ayokong makapanuod ng live na drama na katulad nito. Ang bigat pala sa damdamin lalo na't hindi mo alam kung saan nanggagaling yung mga salitang binibitawanan nila.

• • •

Hi guysh! Sorry kung late na palagi ang pag-uupdate ko. Haha! Wag po kayong magsawang magbasa, magcomment at magvote! Mwah! 😘💚

TW: @tsinigowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon