"Abby, what if... Hindi ako gumaling? Hindi na kita nabalikan? Anong gagawin mo?" tanong ni Darren sa kaniya. Bigla siyang napaisip sa tinanong ng kaniyang nobyo. Paano nga ba kung hindi na ito bumalik?
"Hindi ko rin alam eh. Actually, nung gabing bumalik ka, yun na ring gabi na handa akong maglet go. Handa na ako nun eh. Sabi ko sa sarili ko, siguro wala na talaga akong dapat hintayin pa. Tumagal ng dalawang taon yung paghihintay ko, hindi din naging madali pero nung bumalik ka, narealize ko na yung dalawang taon na yun, it was all worth it. As in, worth the wait." panimula niya.
"Kahit pa siguro maghintay pa ako ng another two years basta bumalik ka lang, ayos lang sakin eh. Basta yung kapalit naman nung mga taon na yun ay forever." she smiled. Pinipigilan lang niyang maluha dahil hindi niya maiwasang maging emotional sa tuwing naaalala niya lahat ng mga pinagdaanan nila ni Darren bago sila makarating sa puntong ito.
They are celebrating their 5th anniversary today. Marami na silang pinagdaanan as a couple pero hanggang ngayon ay strong pa rin sila. Bakit pa nga ba nila isusuko ang isa't isa kung tadhana na mismo ang nagsasabi sa kanilang sila na talaga ang para sa isa't isa?
"Oh huwag kang iiyak. I was just asking." natatawang sabi ni Darren sa girlfriend.
"Ikaw kasi eh. Why are you asking me questions like that? Alam mo namang mababaw luha nitong syota mo eh." pabirong sabi ni Abrianna. Ngumiti lang si Darren at niyakap siya nang mahigpit.
Winter ngayon sa Canada at nagsisimula nang magsnow. May snow pa nga ang mismong bench na inuupuan nila ngayon. at kahit patong patong na ang jacket na suot at ramdam pa rin ang lamig.
Dito nag-aya si Darren na i-celebrate ang kilang 5th anniversary. Nagtataka rin si Abrianna kung bakit dito pa sa Canada at hindi na lang sa Tagaytay tutal doon naman naging sila. Pero hindi na rin siya umangal pa dahil gusto niya rin namang makapunta sa Canada at makaranas ng winter.
"Gusto ko, dito tayo sa Canada bumuo ng pamilya." biglang sabi ni Darren. Bahagyang naubo si Abrianna sa sinabi nito at tinignan si Darren nang masama.
"What? I'm just saying... Maganda naman dito ah. Tsaka gusto kong magkaron ng Canadian kids." dagdag pa niya na dahilan para mas lalong tignan ni Abrianna si Darren nang masama.
"Kids kaagad? Ano ba, Espanto. Ni hindi pa nga tayo nagpapakasal eh."
"Edi magpakasal na tayo." he suggested while wiggling his eyebrows.
She stopped for a while and give him a death glare. Why is he acting like that? Obviously, she is not comfortable with this kind of topic. They are only twenty three years old and it's too early for them to get married.
"Shut up, Darren." she said.
"I'm serious, Abrianna." he said. Listen to me, Ms. Estrella."
"What is it about, Mr. Espanto?" she asked.
"It's about our future." seryoso niyang sagot.
"You know, this is the main reason why I want us to celebrate our 5th anniversary here in Canada... Humahanap lang talaga ako ng tiyempo." sabi niya.
"W-What are you planning to do?" she asked.
"Sssshhhh. Quiet. Mas lalo akong kinakabahan eh." sabi niya habang nakayuko.
"I know this is not yet the right time pero please, sana huwag mo akong i-reject." panimula ni Darren. Bigla siyang kinabahan. She has this feeling na baka magpropose bigla ang kaniyang nobyo. Natatakot siya at the same time, naeexcite. She erased the thoughts coming through her mind. Baka naman hindi ito magpo-propose. Baka may sasabihin lang. Ayaw niyang mag-assume agad agad kaya hinintay niya na lang mag-salita ang kaniyang boyfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/113881536-288-k299995.jpg)