9 • Help

579 32 5
                                        

Abrianna's POV

Habang kumakain kaming apat nila Dhaylene, Kessel at Mikee sa canteen ng lunch, biglang tumunog ang phone ko.

Nang tinignan ko ito ay may tumatawag pala... Si Macey.

"Excuse me lang guys ha?" pagpapaalam ko sa mga kasama ko bago tuluyang umalis sa canteen.

"Hi Macey!" masaya kong bati sa kaniya nang sagutin ko ang tawag nito.

"Hi." matipid at mahina niyang sagot.

Absent siya ngayon dahil may sakit daw. Kaya siguro parang nanghihina ang boses niya ngayon.

"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"H-Hindi." sagot niya.

"Naku. Magpahinga ka na!" sabi ko naman.

"Abrianna." napatigil ako nang biglang nag-iba ang boses nito. Parang nanginginig na ewan.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Please help me." sagot niya. Parang napiyok na ang boses nito.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong nang marinig ko siyang humikbi mula sa kabilang linya.

"Y-Yes. Ikaw na lang ang alam kong pwedeng hingan ng tulong kaya please. Tulungan mo ako." nagmamakaawa niyang tugon.

"Ano ba yun?" tanong ko.

"Gusto kong magkaayos kami ni Darren." sabi niya na ikinagulat ko naman.

"M-Macey. Labas na ako sa kung ano man ang gulo na nangyayari sa inyo dalawa." mahinahon kong sagot sa kaniya.

"Pero Anna... Alam kong matutulungan mo ako." umiiyak na sabi niya.

"S-Sorry. But...I c-can't." pagtanggi ko dito.

"Please." pagmamakaawa pa rin nito.

"Sorry Macey." tugon ko sabay ibinaba ang tawag.

Hindi ko nanaisin na maipit sa ganung sitwasyon. Kaibigan ko si Macey pero ayokong makialam sa kung ano mang mayroon sila ni Darren.

Bumalik ako sa canteen at umupo sa tabi ni Dhaylene at napabuntong hininga.

"Parang ang bigat ng dalahin natin ah." pagpuna ni Mikee.

"Eh kasi naman..." sabi ko. Itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko pero napatikom na lamang ang bibig ko.

Hindi ko na lang muna sasabihin sa kanila dahil alam kong magagalit sila lalo kay Macey.

× × ×

Kahit may klase ngayon, lumilipad pa rin ang utak ko dahil sa mga sinabi ni Macey kanina sa akin.

Ano ba kasing nangyari sa dalawang yun?

Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Mabuti na lang at focus na focus ang teacher namin sa pagtuturo kaya hindi niya napapansin ang kabaliwan na ginagawa ko.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon