22 • Practice

569 37 19
                                        

Abrianna's POV

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga at inabot ang cellphone ko na nakapatong sa study table ko.

Tumatawag siya.

Hinayaan ko na lang pagriring nito at humiga na ulit sa aking kama.

Mga ilang segundo lang ay huminto ang tunog nito kaya nakahinga na ako nang maluwag.

Please lang, Darren. Kailangan ko nang matulog.

Papikit na ang aking mga mata nang bigla na naman itong tumunog.

Padabog kong inabot ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Ano ba?" inis kong sabi dito.

"Galit ka?" tanong naman niya.

"Gabing gabi na! Patulugin mo na ko!" pasigaw kong sabi at ibinaba ang linya.

Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang inis. Naghahalo ang mga emosyon ko ngayon. Bukod sa naistorbo ako sa pagtulog, naiinis pa din ako dahil sa nakita ko kanina.

Sabi niya papunta na siya. Akala ko natagalan lang.

Yun pala, naghintay lang ako sa wala.

Grrrrr.

× × ×

"Abby!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

Hindi ko ito nilingon bagkus ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa hallway ng aming school.

Naramdaman kong tumatakbo ito papalapit sa akin kaya binilisan ko ang aking paglalakad pero naabutan niya ako at hinawakan niya ang aking braso.

"Huy Abby." mahinahon niyang sabi at binitawan na ang aking braso

"Abby?" iritado kong tanong dito nang nilingon ko ito.

"Abby, short for Abrianna." natatawa niyang sagot pero nanatili akong seryoso.

"Anna ang nickname ko, hindi Abby." sabi ko sabay talikod ulit sa kaniya pero hinawakan na naman niya ang braso ko.

"Ano na naman ba?" halos pasigaw kong tanong ko dito.

"Bakit parang iniiwasan mo ako?" seryosong tanong nito.

"Hindi naman kita iniiwasan. Nagmamadali lang ako." sagot ko.

"Galit ka?" tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Eh kasi... Yung kahapon. Sorry kung hindi kita nasundo agad. Hindi ko naman alam na pupunta si Macey sa bahay eh." paliwanag niya.

"Ayos lang." tipid kong tugon.

"Ayos lang talaga? Buti hindi ka naligaw kahapon?" tanong niya sa akin.

"Huy Anna!" tawag sa akin ni Dhaylene na kakadating lang.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Eto na yung chance ko para makaiwas dito sa lalaking 'to.

"May gagawin pa kami." sabi ko sa kaniya at hinila ko na si Dhaylene palayo kay Darren.

Nang makalayo ay binagalan ko na ang aking pagtakbo dahil hiningal na rin ako.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon