Special Chapter 3

405 13 4
                                        

"Kinakabahan ako! Oh my gosh!" sigaw ni Kessel habang pinapaypayan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang kamay.

Agad naman siyang hinampas ni Mikee sa braso.

"Ikaw ang ikakasal? Ikaw?" pagsusungit nito kay Kessel.

"Kinakabahan lang ako for Abrianna, masama ba?" tugon niya.

"Oo, masama. Si Anna nga, kalmado lang eh. Tapos ikaw, kinakabahan?" pang-aasar pa ni Mikee.

"Kinakabahan 'yang si Kessel kasi baka tumanda siyang matanda." sabat ni Dhaylene.

Nagtawanan silang apat kasama na rin ang ibang tao na nasa loob ng kwarto.

"Huwag mo na kasing hintayin na magpropose si Neil. Ikaw na ang magpropose!" malakas na sabi ni Mikee.

Agad naman siyang binatukan ni Kessel. "Manahimik nga kayo! Bakit ako na naman ang napagtripan niyo?"

"Elementary pa lang tayo, ganyan na kayo sakin. Hmp." dagdag pa ni Kessel.

Hindi nila mapigilang matawa sa inasal ni Kessel. Mula noon hanggang ngayon, siya pa rin ang target ng kanilang barkada. Tuwang tuwa silang makitang naaasar itong si Kessel, mabuti na lang talaga at hindi ito pikon.

"Oh tama na 'yan. Baka umiyak pa si Kessel." natatawang sabi ni Abrianna.

"Naku, kung alam mo lang. Umiiyak na 'yan kanina pa. Feeling bride." pang-aasar naman ni Dhaylene. Hinampas naman siya ni Kessel sa braso.

Napailing na lang si Abrianna habang tumatawa. Napakaswerte niya at nagkaroon siya ng ganitong klaseng mga kaibigan. Mga baliw man, hindi naman siya iniwan.

Napukaw ang kaniyang atensyon sa isang libro at notebook na nasa harapan niya. Ang The Little Prince na naaalala niyang ibinigay sa kaniya ni Darren noong highschool sila at ang diary naman nito.

Napatingin siya sa salamin at napangiti. Ibang iba ang awra niya ngayon. Feeling niya, teenager siya ulit dahil sa ayos niya. Kahit siya, hindi makapaniwala sa mangyayari ngayong araw.

"Anak..." rinig niyang sabi ng babaeng pinakamamahal niya. Ang mama niya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.

"Ma..." may gusto siyang sabihin pero biglang humapdi na naman ang mga mata niya at may nagbadyang luha na tutulo mula rito.

"Ssshhh. 'Wag kang umiyak, papangit ka niyan." biro ng kaniyang ina.

Napangiti na lang siya at pinigilang mapaluha. Sayang naman ang make-up niya kung iiyak agad siya. Kailangan maganda siya 'pag humarap siya sa lalaking mapapangasawa niya ngayon.

"Ready ka na?" tanong nito sa kaniya. Tumango lang siya at ngumiti bilang tugon.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Saya, excitement, kaba at kung ano ano pa.

Nanlalamig ang mga kamay niya at tila nanlalambot ang mga tuhod. Gusto ding kumawala ng mga luha mula sa mga mata niya dahil sa sayang nararamdaman niya ngayon.

Isinuot na sa kaniya ang belo. Tumingin siya sa kaniyang paligid. Lahat nakangiti. Ang mga kaibigan niya, mga taong malalapit sa puso niya, ang mama niya at iba pa niyang relatives.

Pinipilit niyang hindi mapaluha. Paano pa kaya kapag nakita na niya ang lalaking mahal niya? Baka hindi na niya mapigilan ang sarili na mapaiyak.

"Papa, ikakasal na po ang anak ninyo. Alam ko po kung nasaan man kayo ngayon, masaya po kayo para sa akin. I love you, Papa. Miss na kita. Sayang, wala ka sa pinakamahalagang araw ng buhay ko." sabi niya sa kaniyang sarili.

Nakasakay na siya ngayon sa kotse na patungo sa simbahan kung saan sila ikakasal ngayon ni Darren. Habang papalapit sila nang papalapit, lalong lumalakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Nang tumigil na ang kotse, sandaling tumigil din ang pagtibok ng kaniyang puso.

Eto na. Nandito na sila ngayon sa harapan ng simbahan.

Inalalayan siya ng kaniyang ina sa pagbabasa sa kotse. Mahigpit niyang hinawakan ang isang bugkosng bulaklak na hawak niya. Huminga siya nng malalim at tinitigan ang simbahang nasa harapan niya ngayon.

Marami nang taong nag-aabang. Kapwa mga nakangiti at parang mga excited na rin sa mangyayari.

Unti-unti na siyang naglalakad patungo sa altar. Sa bawat paghakbang niya, papalapit na siya nang papalapit sa taong pinakamamahal niya.

Si Darren. Nakaputi ito ngayon at sobrang ayos na ayos ang buhok. Napakagwapo. Sobrang gwapo. Napakaswerte niya at mapapangasaqa niya ang lalaking ito.

Napansin niya ring medyo mapungay na ang mata nito at tila may mga luhang bumagsak na mula sa mga mata nito. Hindi niya napigilang manlambot dahil sa nakita niya.

Kitang kita sa mga mata niya na mahal na mahal siya nito. Na sobrang saya rin nito dahil sa wakas, ikakasal na rin sila.

Matapos ang ilang pagsubok, paghihirap at mga luha, narito na sila ngayon sa punto ng buhay nila na magsasama na sila habang buhay. Wala nang makakapagpahiwalay pa sa kanila.

Dahil sa araw na ito, sila ay magiging isa na.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Abrianna nang marating na niya ang altar.

"Masaya lang ako." nakangiti ngunit may nangingilid na mga luhang sagot ni Darren sa kaniya.

Ang taong nasa tabi niya ngayon, ay ang taong papakasalan niya, ang taong mahal na mahal niya at mahal na mahal rin siya, at ang taong makakasama niya sa hirap at ginhawa, sa saya at lungkot at hanggang sa kamatayan.

• •

THE END!

Hahahaha. Eto na po ang last special chapter. Bitin? Oh well, talent ko talaga ang mambitin. Hahaha.

So ayun, hanggang dito na lang talaga. 'Wag na kayong magrequest ng special chapter about sa mga magiging anak nila, or about sa reception or honeymoon. Hayaan na natin sila dun. Privacy. Hahahaha.

So ayun na nga ho, tapos na tapos na itez. Walang labis, walang kulang.

Maraming salamat po ulit! 💚💚💚

Pakisuportahan din po ng On-Going stories ko na REBEL at HIS EYES. ☺

THANK YOU! :)

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon