Mikee's POV
"Oh nandito na pala ang love birds." natatawang puna ni Dhaylene nang papalapit na sila Darren at Abrianna sa van.
"Ang tagal niyo naman." sambit ni Kessel.
"Saan kayo nanggaling? Bakit iniwan niyo kami?" tanong ni Anna pero walang nag-abalang sumagot.
"Tara na po ate, gabi na." pag-aaya ko kay Ate Cheeng.
"Okay, pumasok na kayong lahat sa van." sabi ni Ate Cheeng.
Nang makapasok ang lahat sa van ay nagsimula na itong umandar.
Napapatingin ako palagi kay Anna nasa likuran ko, naaawa ako ng bahagya dahil walang kumakausap sa kaniya. Well, plano ko naman talaga lahat ng 'to eh. Si Dave at Darren lang ang tanging hindi nakakaalam ng pinlano naming lahat. Nagplano kaming hindi namin papansinin si Anna sa buong araw na 'to. Nakaplano din na iiwan namin sila Darren at Anna at hahayaang maglibot sila sa Skyranch nang silang dalawa lang. Mabuti na lang at madali naming nahila 'tong si Dave para hindi na makaangal pa. Sumang-ayon naman silang lahat sa plano ko, gusto ko lang kasing magkamoment silang dalawa na silang dalawa lang talaga. Palagi na lang kasing may sumisingit sa moment nila, kung hindi si Dave...si Macey. Etong si Macey, kahit sabihin niyang wala na siyang gusto kay Darren, alam kong meron pa eh. Siyempre, bilang isang kaibigan, mararamdaman mo yun. Kaya nga si Ann, kahit hindi niya aminin, ramdam naming lahat na may pagtingin siya kay Darren. Hindi nga lang namin alam kung may gusto din siya ni Darren, pero feeling ko, meron din. Duh? Ang pabebe lang kasi ng dalawang 'to. Ayaw pang mag-aminan. Pasalamat na lang talaga sila sa akin...amin, hmp.
× × ×
Abrianna's POV
"Good night." nakangiting sabi sa akin ni Darren.
"Good night din." tugon ko dito.
Umalis na siya at nagtungo sa kaniyang kwarto.
"Ang sweet naman." pang-aasar ni Mikee nang makapasok siya sa kwarto nila.
"Huh? Ang alin?" nagtataka kong tanong kahit alam ko naman kung anong ibig nitong sabihin.
"Haysus. May pa-good night nang nalalaman ang bruha." sabat ni Dhaylene.
"Bakit? Normal lang naman yun sa magkaibigan ah." tugon ko.
"Magkaibigan nga lang ba?" pang-iintriga naman ni Kessel.
"Ewan ko sa inyo. Saan ba kasi kayo nanggaling kanina?" inis kong tanong.
"Sa lugar kung saan malayo sa inyo." sagot ni Dhaylene.
"Kamusta ang date niyo?" tanong ni Mikee.
"Date? Teka, pinlano niyo 'to noh?" tanong ko sa mga ito.
Nagkibit balikat lang sila pero alam kong pinlano nga nilang iwanan kami. Kabisado ko na 'tong mga loka lokang 'to.
"Sinasabi ko na nga ba." naiinis kong turan.
"Aba! Dapat nga magpasalamat ka pa!" sambit ni Mikee.
"Kung hindi namin kayo iniwan dun, hindi kayo magkakamoment noh." dagdag ni Kessel.
"Hello? Sino bang may sabi na gusto kong magkamoment kami?" nagtataka kong tanong dito.
