"Good night!" nakangiting sabi ni Mama sa akin at hinalikan ako sa noo.
Tumalikod na ito sa akin at lumabas na ng aking kwarto.
Huminga ako nang malalim at napatingin sa aking susuotin para sa contest na magaganap bukas.
Dalawa ang susuotin ko dahil magkaibang prod ang para sa English Songs at Tagalog Songs.
A/N: Imagine niyo na lang na ito ang susuotin ni Abrianna. Thank you!
Tagalog prod:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
English prod:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N: Bago kasi ang green, violet talaga ang pinakamamahal na kulay ni Author kaya ayun. Balik na tayo sa POV ni Abrianna. Hahaha.
Kinakabahan ako pero may halong excitement akong nararamdaman.
Bigla akong napatingin sa cellphone ko na aking hawak ngayon nang tumunog ito.
Nakita ko ang pangalan ni Darren sa screen at napangiti ako. Agad agad ko itong sinagot.
"Hi." bati ko.
"Hello! Bakit hindi ka pa tulog?" tanong niya.
"Matutulog na sana ako kaso bigla kang tumawag." natatawa kong sagot.
"Ay... Sorry. Gusto ko lang kasing...mag...mag-good night sa'yo." mahina niyang sabi pero sapat na upang marinig ko.
Bahagya akong natawa...at kinilig.
"And good luck." dagdag niya.
"Good luck sa atin. And good night din sa'yo." sambit ko.
Narinig ko ang paghikab nito at hindi ko napigilan ang pagtawa.