39 • Sign

442 26 1
                                        

Darren's POV

"Darren, lumabas ka na diyan, kakain na tayo ng dinner." rinig kong sabi ni Tito Chris mula sa labas ng aking kwarto habang kumakatok. Nakabalik na kami dito sa Maynila pero ginabi na kami dahil nagstop over pa kami sa mga bahay ng mga kasama namin. Hinatid pa kasi namin ni Tito sila isa-isa sa mga bahay nila. Kaya ayun, ang ending, ginabi na kami nang makarating dito sa bahay...pati si Abby kasi nga diba, nasa iisang village lang kami kaya siya yung pinakahuli naming hinatid.

"Busog pa po ako tito, tsaka inaantok na po ako." malakas kong tugon para marinig niya.

"Sigurado ka ba?" tanong ulit niya.

"Opo, tito. Napagod lang po talaga ako...sa biyahe kanina. Gusto ko na pong magpahinga." sagot ko sa kaniya. Nagsinungaling ako. Hindi naman ako busog, actually, gutom na talaga ako kaso wala akong ganang lumabas ng kwarto ko at kumain. Gusto kong magmukmok.

"Oh sige. Good night. Basta bukas, bumawi ka ng kain ha." paalala nito sa akin.

"Yes po, tito. Good night po." sagot ko sa kaniya. Narinig ko na ang pagyabag ng kaniyang paa palayo sa pintuan. Siguro ay umalis na ito at bumaba na. Napahinga naman ako nang malalim tsaka ibinaling ang tingin sa TV. Walang katapusang love story ang palagi kong napapanood dito. Ang nakakasawa lang ay palagi na lang happy ending eh wala namang ganun. Mamamatay tayong lahat kaya paano magkakaroon ng happy ending? Saan ang happy doon?

Okay Darren, kumalma ka. Nagmumukha ka nang bitter dahil sa mga naiisip mo eh.

Sabi nila, kapag hindi pa happy, hindi pa ending. Aba ewan ko ba! Hindi ko na alam kung saan ako maniniwala.

Tumayo ako mula sa pagkakadapa sa aking kama habang nanonood. Kinuha ko ang notebook ko sa isang study table.

Tagaytay...check.

Akala ko puro saya lang ang mararanasan ko sa Tagaytay pero sabi nga nila, kapag naging masaya ka, may kapalit na kalungkutan. Yung akala ko, magsisimula na, pero agad ding natapos. Yung magsisimula palang akong lumaban pero siya, agad namang sumuko.

Ibinalik ko ang notebook sa aking study table at muling humiga sa aking kama. Napatingin ako sa TV. Nag-iiyakan ang mga bida doon. Hay. Pati ba naman yung teleserye, dinadamayan ako ngayon sa pagdadrama ko?

Napasubsob na lang ako sa unan ko. Hinayaan kong nakabukas ang TV para hindi masyadong tahimik sa silid, mas gusto kong may naririnig para hindi ko maisip na mag-isa lang ako...kahit mag-isa lang naman talaga ako. Mas nakakabingi kasi ang katahimikan kaysa sa kaingayan.

Pinikit ko ang mata ko at pinipilit na makatulog pero hindi ako dinadapuan ng antok. Napabangon ako at kinuha ang cellphone sa aking study table. Napatingin ako sa orasan at 7:30pm palang pala.

Gusto ko siyang tawagan o i-text pero anong sasabihin ko? Masyadong mabigat ang huli naming pag-uusap. Sa tingin ko ay hindi pa magandang pagkakataon ito para tawagan siya o i-text. Gusto ko rin siyang puntahan sa bahay nila pero...hindi pwede. Hindi pa pwede. Hindi ko pa siya kayang harapin. Ang sakit pa din eh. Ayokong magalit kasi sa tingin ko, tama din naman ang ginawa niya. Pero siyempre nasaktan ako kasi bakit parang ang bilis naman niyang magdesisyon.

"Argh!" sigaw ko sabay hagis ng isang unan. "Ayoko na!" sabi ko sabay sabunot sa aking buhok. "Pagod na akong umiyak, pagod na akong masaktan. Pagod na pagod na pagod na ako!"

"Ipaglaban? Wala tayong dapat ipaglaban, Darren."

Shit! Handa akong ipaglaban ka! Ikaw ang ipaglalaban ko! Kung hindi kayang lumaban, handa akong lumaban mag-isa!

Hindi ko naman naramdaman ito kay Macey dati. Iba 'to eh. Ibang iba. Nung iniwan ako ni Macey, nasaktan ako. Pero ngayon nung kay Abby na, triple yung sakit.

Lord, bigyan niyo naman po ako ng sign kung lalaban pa ba ako o hindi na.

Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na hawak hawak ko ngayon.

"Abby!" sigaw ko nang makita kung sino ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Hi." mahina niyang bati.

"H-Hello Abby." nauutal kong tugon. Nanginginig ang kamay ko.

"Ahm... Ano kasi... I'm s-sorry." sambit niy sa kabilang linya.

"Sorry s-saan?" tanong ko kahit medyo gets ko naman na kung anong ibig niyang sabihin.

"Kagabi." tipid niyang tugon.

"Ahhh... Y-Yun ba? Okay lang." sagot ko. Pero ang totoo talaga, hindi okay yun. Ang sakit kaya.

"Gusto ko lang itanong kung b-busy ka ba b-bukas?" nauutal niyang tanong.

Wait! Yayayain niya ba akong makipagdate?

No.

Wag kang mag-assume.

Babae siya.

Hindi dapat siya ang mag-aya ng date.

Ako dapat.

"Argh!" bigla kong sigaw. Ang dami ba naman kasing sumasagi sa isip ko.Nagulat rin ako sa aking tinuran. Masyado na akong nababaliw.

"Bakit? Anong nangyari?" gulat na tanong ni Abby.

"W-Wala. Sumakit lang bigla yung ulo ko." pagsisinungaling ko.

"Ah ganun ba? Sorry, nakaabala ata ako sa pagpapahinga mo." sabi niya.

"Hindi, hindi! Okay lang ako. About dun sa tinanong mo kanina... Hindi naman ako busy bukas. Bakit?"

"Secret park. 3pm. See you." sunod sunod niyang turan sabay ibinaba ang tawag.

"W-Wait..." huli na nung magets ko ang sinabi niya.

Tinawagan ko siya ulit pero ayaw na niyang sumagot.

See you.

See you.

See you.

Paulit ulit kong naririnig ang katagang 'to sa isip ko. So ibig sabihin... No! Hindi yun date! Ilang beses na rin kaming pumunta sa Secret Park so walang meaning yun. Ako lang talaga yung nag-a-assume. Normal lang naman sa lalaki na mag-assume at umasa din diba? Hay.

Sana nagbago yung isip niya. Sana lumaban din siya.

× × ×

Abrianna's POV

"Secret park. 3pm. See you." sunod sunod kong turan sabay baba ng linya.

Nakakahiya. Ako pa talaga ang nag-aya. Baka kung anong isipin niya.

Hello? Diba umamin ka naman na sa kaniya na mahal mo siya? Ngayon ka pa ba mahihiya?

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang

"Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo, Abrianna?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng aking kwarto.

Kanina pa ako gulong gulo dito. Walang ibang nasa isip kundi si Darren. Nagtatalo ang isip at puso ko. Naisip ko, siguro kailangan kong makausap ulit si Darren. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko kailangan talaga naming mag-usap ulit. Baka kasi masyado lang din akong nabigla sa mga nangyari kahapon kaya padalos dalos ako sa pag-iisip. Kaya naisipan kong tawagan si Darren.

Sa pag-ibig, hindi natin maiiwasang masaktan at makasakit. Parte na yun ng pagmamahal kaya dapat ko nang matanggap. That's love. That's life.

Minsan lang dumating sa buhay ng isang tao na mahalin din siya ng taong mahal niya. Bakit ko pa papakawalan diba?

Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Lalo na kung handa din siyang ipaglaban ka.

• • •

Last day na ng voting sa PUSH, bumoto na ba kayo? ☺💚 Salamat sa pagbabasa! 😁

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon