10 • Set Up

597 31 9
                                        

Darren's POV

Sabado na at sa lunes na ang first day ko sa school.

Kailangan ko nang masanay sa labas, sa mundong hindi ko na nakasanayan.

Kaya naisipan kong lumabas na muna ng bahay at magbike. Tutal, wala naman din si Tito Chris sa bahay dahil busy na naman sa school kahit weekends.

Ngayon lang ako talaga na-bored ng ganito.

Nang makarating ako sa park ng village namin, biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagba-bike.

Si Abrianna ang tumatawag.

Sinagot ko ito.

"Bakit?" pambungad na tanong ko.

"D-Darren! Tulong!" pasigaw niyang sagot.

"Huh? Bakit?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"May m-masamang nangyari. Please tulungan mo ako!" nagmamakaawa niyang sagot.

"Nasaan ka ba?" tanong ko na medyo may bahid na nang pag-aalala.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala.

"N-Nasa park ako. Pumunta k-ka dito agad, please." sagot niya.

Lumingon lingon ako sa paligid at napatigil ako nang makita ko si Abrianna...

Nakatayo ito katabi ang isang puno na parang wala namang nangyaring masama sa kaniya.

In-end ko ang tawag niya at tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Abrianna?" tawag ko sa kaniya at bigla itong lumingon sa akin na para bang gulat na gulat akong makita.

Ito ba ang may masamang nangyari o siya ang may masamang balak?

× × ×

Abrianna's POV

Wala na akong maisip pa na paraan kaya ayun na lang ang naisip ko. Hindi ko naman inaasahan na kasing bilis ng kisapmata ang pagdating ni Darren dito sa park. Paktay na.

"D-Darren?" sabi ko na halatang may pagkagulat.

"Akala ko ba may masamang nangyari sa'yo? Niloloko mo ba ako?" inis niyang tanong.

"Eh bakit parang nag-alala ka nga?" pang-aasar ko sa kaniya dahil makikita mo nga sa mukha niya na nag-alala siya.

First time ko siyang makitaan ng emosyon. Kilig ako!

"H-Huh? Ako? Mag-aalala? Bakit? Ano ba kita?" seryoso niyang tugon.

Ouch naman.

"Darren." sabay kaming napatingin sa babaeng nagsalita na nasa harap na pala namin.

Si Macey...

Yeah, set up lang ang lahat ng ito. Galing diba? Tss...

"I knew it." nakangising sabi ni Darren na mahahalata mong may inis.

"Alis na muna ako." sabi ko sabay yuko at iniwan ang dalawa na magkatitigan ngayon.

Kahit nagkatinginan pa lang sila, parang nag-uusap na ang mga mata nila.

Puso, bakit ka nasasaktan? Hindi ka dapat masaktan lalo na't ginusto mo 'yan, ikaw nakaisip niyan.

× × ×

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon