Abrianna's POV
"Wala na ba kayong naiwan na gamit sa loob?" tanong ni Ate Cheeng. Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay nila at inilalagay na ang mga gamit sa van nila Darren. Babalik na kami ngayon ng Maynila.
"Yes, ate. Ready na po kami." tugon ko.
Nasa loob na ng van ang lahat. Ako na lang ang natira sa labas para makapagpaalam kay ate Cheeng. Sigurado akong matatagalan ulit bago ako makabalik dito at mamimiss ko na naman ang napakabait kong pinsan!"Okay, ingat kayo---" napatigil si Ate Cheeng sa pagsasalita nang may biglang dumating.
"CHEENEE ESTRELLA GODEN!" sigaw ng isang babaeng parang pamilyar sa akin.
"Gaga ka! Kailangan bang isigaw mo pa yung buong pangalan ko?" natatawang sabi ni Ate Cheeng sabay yakap dito.
Wait...parang kilala ko 'to! Kaso parang matagal na nung huli ko siyang nakita kaya parang medyo nagmatured na ang itsura nito.
"Si Tyler?" tanong ni Ate dito.
"Tita Elly?" bati ko dito nang maalala kung sino itong bisita ni Ate Cheeng.
"Abrianna? Omg!" masayang bati ni Tita Elly sa akin sabay yakap sa akin.
"Hala, tita Elly! Ikaw na pala 'yan? Infairness, mukhang dalaga pa rin po kayo." nakangiti kong sabi dito sabay bungisngis.
"Hay nako. Bolera pa rin pala 'tong si Anna." natatawang sabi naman ni Tita Elly.
"Dalaga na si Abrianna ah!" sigaw ng isang lalaki na kakadating lamang.
"Tito Tyler!!!" natutuwa kong bati rito sabay yakap sa kaniya.
"Infairness sa inyo ni Tita Elly, parang hindi po kayo tumatanda." pambobola ko dito.
"Asus. Magkano ba kailangan mo ngayon?" natatawang tanong ni Tito Tyler sa akin.
"Grabe ka, tito!"
"Oh, ba't napadalaw kayo dito?" tanong ni ate Cheeng sa kanila.
"Alam mo naman...dating gawi." tugon ni Tita Elly.
"Ay! Nakalimutan ko! Happy 10th wedding anniversary! Grabe, akalain mo yun? Tumagal kayo ng 10 years!?" natatawang bati ni Ate Cheeng dito.
"Inggit ka lang." pang-aasar ni tito Tyler sa kaniya.
"Hala oo nga po pala. Happy anniversary po tito and tita!!!" bati ko rin dito.
"Si Baby Yesha?" tanong ni Ate Cheeng sa kanila.
"Naiwan sa Canada, may pasok yun eh. Alam mo naman, Grade 1 pa lang yun. Kailangang matutong maging masipag. Tsaka 1 week lang naman kami dito." natatawang sagot ni Tita Elly.
"Baliw kayo! Iniwan niyo na naman yung anak niyo sa Canada para lang makapagcelebrate ng wedding anniversary dito ah?" sabi ni ate Cheeng habang tumatawa.
"Kapag bakasyon na po ni Yesha, dalhin niyo po siya dito please? Gusto ko na po siyang makita." pakiusap ko sa kanila.
"Sure. Why not diba?" tugon ni Tita Elly habang nakangiti. Ang ganda niya pa rin kahit 35 na ang age nito. Mukha pa ring dalaga. Pero siyempre hindi ko makakalimutan kung gaano siya kaganda noong ikinasal sila ni Tito Tyler.
"Dalaga na ang dating flower girl namin. Ang bilis ng panahon!" puna ni Tito Tyler sabay ginulo ang aking buhok.
"Baka nga inlove na 'to eh." natatawang sabi ni Tita Elly na nakapagpabilis naman ng puso ko.
Opo, actually nasaktan na nga rin po eh.
"H-Hindi po." pagtanggi ko dito.
"Dapat lang. Masyado ka pang bata para mainlove. Kapag maagang umibig, maaga ring masasaktan." payo ni Ate Cheeng.