Abrianna's POV
Nagising ako at biglang napabalikwas mula sa pagkakahiga nang maalalang ka-text ko pala si Darren kagabi.
Wala nang kusot kusot ng mata, agad na kinapa kapa ko ang kama dahil hindi ko na alam kung saan ko huling nailagay ang aking cellphone.
Nang mahanap ko ito, agad kong binuksan ang phone ko at bumungad ang message ni Darren na "Sweet dreams." Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko sa aking nabasa at napangiti.
Napatanong ako sa aking sarili kung anong pwede kong i-reply.
To: Darren
Hi Darren! Sorry nakatulog ako kagabi habang ka-text ka. Kamusta tulog mo?Ay hindi dapat ganun.
In-erase ko ang tinype kong message at nagcompose ulit ng iba...
To: Darren
Good morning, Darren! Sorry nakatulog ako kagabi habang ka-text ka. Excited na kong makita ka mamaya. :)Ay mas lalong hindi. Mahahalata niya.
Isa pa... Last na talaga 'to.
To: Darren
Morning.At ayun nga ang naisend ko. Para kunwari cold ako. Ganun. Chos.
Nabigla ako nang agad itong nagreply.
From: Darren
Walang good?Bigla akong napatawa nang bahagya at napaisip kung anong pwede kong i-reply dito.
To: Darren
Hmmm... Edi good morning!Napalingon ako sa pinto ng aking kwarto dahil may kumatok dito.
"Nak, gising ka na ba?" tanong ni Mama sa labas.
"Opo, Ma. Palabas na po ako." sagot ko dito.
Narinig ko ang yabag ng mga paa ni Mama. Siguro ay umalis na ito sa harapan ng pinto ng kwarto ko.
Napatingin naman ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nagreply na pala siya.
From: Darren
See you later! 🤗Napangiti naman ako dahil sa nabasa ko. Ibang klase ang impact ni Darren sa puso ko. Hay...
× × ×
Darren's POV
"Kanina ka pa pangiti ngiti diyan ah. Hindi mo maubos ubos 'yang pagkain mo." sabi ni Tito sa akin nang mapansing kanina pa nakatuon ang pansin ko sa aking cellphone.
"Busog na po ako." nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Huh? Hindi mo pa ubos 'yang pagkain mo." sambit naman niya.
"Ah eh... Busog na po talaga ako eh." palusot ko.
"May practice nga po pala kami mamaya..." pagpapaalam ko sa kaniya.
Bigla naman itong ngumiti.
"Kasama si Abrianna?" sabi niya.
"Opo." sabi ko sabay tungo.
"Ahh..." tugon niya at ngumiti ito na para bang nanunukso.
"Siyempre po... Si Abrianna kasi yung ka-duet ko k-kaya siya po yung kasama k-ko." nauutal kong sabi dito.
Natawa siya bigla.
