19 • Friends

521 27 27
                                        

Abrianna's POV

All I wanna do
Is be with you, be with you
There's nothing we can't do
Just wanna be with you

Mahina akong kumakanta at sumasabay sa tugtog na naririnig ko mula sa headset na nakasalpak sa tainga ko.

Nagulat ako nang may narinig akong lalaking kinakanta din ito. Hindi naman malakas yung tugtog ko sa headset kaya rinig ko pa din ang paligid.

Only you
No matter where life takes us
Nothing can break us apart
I just wanna be with you

Napakunot ang noo ko. Ang ganda ng boses ng lalaking 'to. Pero hindi ko alam kung sino ito.

Lumingon ako sa aking likod at nakita ko si... Darren? Nakangiti ito sa akin na dahilan para manlambot ako.

Tinanggal ko agad ang headset na nakalagay sa tainga ako at tumayo ako sa aking kinauupuan.

"Ikaw yung kumakanta?" tanong ko dito.

Tumango lamang siya habang nakangiti pa din at umupo sa kung saan din ako nakaupo kanina. Tumabi ako dito.

"Favorite mo yung High School Musical?" tanong niya.

"Yup." tipid kong tugon.

"Same." sabi naman niya.

Ang awkward. Ba't ba nandito 'to?

"Palagi kang tumatambay dito sa park tuwing weekends?" tanong niya.

"Oo, bakit?" sagot ko.

"Ahh... I see." tugon niya.

"B-Bakit ka nandito?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

"Bakit? Bawal?" tanong niya.

"Huh? Hindi naman. Nagtatanong lang." sabi ko sabay iwas nang tingin.

"Dala mo yung bike mo?" tanong nito kaya napabaling ulit ako at tumingin sa kaniya.

"Yeah. Bakit?" sagot ko dito.

"May alam ako ditong tagong place na mas maganda dito. Tara?" pag-aaya nito.

May lagnat ba 'to o sakit?

"Huh? Saan?" tanong ko dito.

"Basta. Ano, game?" tanong niya at inilahad sa akin ang kaniyang kamay.

Tatanggapin ko ba o hindi?

Send HELP to 2366.

"Huwag na. Dito na lang ako." pagtanggi ko.

"Tara na." sabi niya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito.

"Nasaan yung bike mo?" tanong niya.

"Ayun oh." turo ko sa aking bike sa 'di kalayuan.

Hinila na naman niya ako papalapit naman sa aking bike. Napatingin ako sa kamay namin na magkahugpong ngayon.

Darren, huwag kang ganyan please. Ayokong umasa.

"Ako na ang magba-bike. Umangkas ka na lang." sabi nito sabay bitaw sa aking kamay at umupo na sa aking bike.

"Wala kang dalang bike?" tanong ko dito.

"Wala, naglakad lang ako papunta dito. Umangkas ka na dito." sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang umupo nga sa may harapan ng bike.

"Kumapit ka nang mahigpit, baka mahulog ka." sabi nito at ganun nga ang ginawa ko.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon