THANK YOU 💚

512 26 36
                                        

Hello mga binibini, ginoo, rema, repa, beshies, bes, beh, at kung ano ano pa! Ipinatawag ko kayong lahat para sa isang mahalagang pagtitipon... Charot!

Pero eto seryoso na. (Weh?) Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nagbasa ng librong ito. As in grabe, hindi ko inexpect na may magbabasa talaga kasi first time ko lang magsulat sa wattpad at mga ilang taon na akong nag-attempt pero nahihiya talaga ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Hahaha.

Salamat din sa mga nagtiyaga kahit ang cocorny ng mga updates at sobrang sabaw. Yung tipong may mai-update na lang talaga ako. Minsan umaabot pa ng ilang araw o linggo bago ako makapagupdate kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga naghihintay ng updates kasi napakatamad ko talagang author eh, aminado naman ako. Hahaha.

Salamat din sa mga silent readers, mga nagcocomment, nagvovote at nagpopromote pa talaga nitong story na 'to. Nakakatuwa na may mga nagmemessage pa sa akin sa instagram, facebook at twitter na binabasa niyo 'tong Escape. Nakakataba ng puso. (Buti pa yung puso ko mataba hay.) Kinikilig ako sa tuwing nakakabasa ako ng mga positive comments.

Ang hirap para sa akin ang magpakilig pero natutuwa akong mabasa yung comments ng karamihan na kinikilig daw sila. At sa mga napaiyak ko naman, pasensya na. Damay damay na lang 'to. Hahahaha char.

Ang balak ko talaga noon, sabi ko baka aabutin lang 'to ng mga 30 chapters. Feeling ko pa nga baka hindi ko nalang rin tapusin 'to kasi napapangitan talaga ako. Hahaha. Oo, jina-judge ko talaga yung sarili ko, bakit ba? Hahaha.

Pero sa tuwing nakakabasa ako ng mga comments, dun talaga ako ginaganahan na mag-update at ipagpatuloy 'tong story kahit kung ano anong twists na lang ang mailagay ko basta mairaos at matapos na lang. Hahahaha.

And about naman po dun sa mga typos at grammatical errors, sorry po. Hindi po ako perfect, nagkakamali din po ako. Hahahaha. Tamad kasi akong mag-edit so kung may nakita man kayong mali, hayaan niyo na lang, ang mahalaga, naiintindihan niyo pa rin yung story. Hahahaha.

At sa mga nagtatanong kung sinong portrayer ni Abrianna at iba pang characters... Wala po silang portrayers. Hehehe. Bahala na kayo kung sinong artista o tao ang gusto niyo or naiimagine niyong perfect para magportay sa character na yun.

And sa mga nagrerequest po ng book 2... I'M SO SORRY. Huhuhu. Hindi ko na po magagawan ng book 2 'to kasi ayoko na silang pahirapan pa pati ang sarili ko. Hahahaha. Okay naman na siguro yung maging ending nito, hayaan na natin silang mabuhay nang masaya. Hahahaha. Kasi kapag ginawan ko pa ng book 2 'to mahihirapan ako kasi mag-asawa na sila. Eh wala pa naman akong alam sa buhay mag-asawa noh hahahahaha! Pero ita-try ko ang best ko na maglagay ng special chapters kapag may sumagi sa isip ko or 'pag sinipag ako.

Hindi ko pa alam kung itutuloy ko pa ba yung "His Eyes" kasi feeling ko parang tinatakot ko lang yung sarili ko lol. (Kung hindi niyo po yun alam, isa po yung sa mga librong sinusulat ko din dito sa wattpad, napublish ko na yung prologue, chapter 1 and 2. Horror po yun na may pagkabrutal hahahaha.) Pero kung itutuloy ko man yun, sana suportahan niyo rin katulad ng pagsuporta niyo dito sa Escape or kung hindi ko man ituloy, may naiisip na akong bagong story so yun na lang suportahan niyo if ever. Hahaha.

So ayun, ang daldal ko diba? Basta maraming salamat talaga. Alam kong hindi ako magaling magsulat pero masaya ako sa ginagawa ko. Yun naman ang mahalaga eh. Wala akong pakialam sa sasabihin ng tao, kahit sabihin pa ng lahat na ang wala akong kwentang author, ipagpapatuloy ko ang pagsusulat kahit pa umabot pa sa point na wala nang magbabasa pa ng mga gawa.

Again, thank you very much sa lahat ng mga sumubaybay at sumama kila Abrianna "Abby" Estrella at Darren Espanto sa istoryang ito. Maraming salamat mga petmalu kong readers. Halabyu all! 💚

Characters:
Darren Espanto
Abrianna Estrella
Dave Francisco
Macey
Mikee Billalba
Dhaylene Alejandro
Kessel Gako
Tito/Sir Chris

With special participation of the DEBWM (Dear EX, Be With Me) casts:
Cheeng Estrella Goden
Tyler Brix Gonzales
Eleanor "Elly" Sofia Rey

Extras:
Hazel
Yvan
Samantha
Simon
Paulo

Featured Songs:
A Thousand Years by Christina Perri
Breaking Free by Vanessa Hudgens and Zac Efron
Bakit Ngayon Ka Lang by Regine Velasquez and Ogie Alcasid
You Are The Music In Me by Vanessa Hudgens and Zac Efron
Malaya by Moira Dela Torre
Perfect by Ed Sheeran

So paano ba 'yan? Babye na! Hanggang sa muli mga bessywap, maraming salamat ulit! I LOVE YOU ALL! 💚

Date Started:
June 26, 2017
Date Finished:
November 12, 2017

All Rights Reserved 2017 ©

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon