Darren's POV
"Handa ka na ba bukas?" tanong sa akin ni Tito Chris habang inaayos ang kaniyang necktie.
Bukas na ang contest at kinakabahan na ako. Handa na ang lahat, pati ang susuotin ko. Hindi ko lang sure kung handa na rin ba ako.
"Ang totoo po niyan... Kinakabahan po ako eh." sagot ko.
Tinapik tapik niya ako sa aking balikat at ngumiti.
"Normal lang ang kabahan. Pero dapat mangibabaw sa'yo...yung confidence. Alam kong kaya mo 'yan. I will be there to cheer you up!" nakangiti niya sabi.
Napangiti din ako sa kaniyang tinuran.
Kaya ko 'to. Kakayanin.
× × ×
Abrianna's POV
"ABRIANNAAAAA!" bungad na sigaw ni Kessel nang makapasok ako sa room namin.
"Oh? Anong meron?" tanong ko dito.
"Anong meron? Bukas na yung contest." sagot ni Mikee.
"Alam ko." tipid kong tugon.
"We're sooooo exciteeeed!" masayang turan ni Dhaylene.
"Edi kayo na ang sumali!" inis kong sambit.
"Hala siya. Bakit naman parang badtrip ka ata?" tanong ni Kessel.
"Ewan ko. Parang gusto kong magback out na." seryoso kong sabi.
"Arayyy!" reklamo ko nang batukan ako ni Mikee.
"Kung kailang bukas na? Tatadyakan ka talaga namin kapag nag-quit ka pa." ani Mikee.
"Hay nako. Ang tagal niyong nagpractice, pinaghirapan niyo ni Darren yun." dagdag pa ni Dhaylene.
"Baka sabihin ni Darren, nang-iiwan ka sa ere." sabi naman ni Kessel.
Napabuntong hininga na lang ako. Bukas na ang contest. Hindi pa handa ang pagkatao kong humarap sa maraming tao. Baka bigla akong himatayin sa stage habang nagpeperform. O kaya naman baka pumiyok ako or madulas o... Hay!
"Handa na yung banner namin. Nagprepare na kami para bukas kaya hindi ka na pwedeng magback out pa!" sabi ni Mikee sabay kindat.
"Banner? Mga baliw kayo!"
"Oo, malaking banner! At nakalagay doon ang picture niyong dalawa ni Darren at may hashtag na DarBrianna for the win!" natayawang turan ni Dhaylene.
Mga baliw nga!
"What the?" ang tanging naisagot ko na lamang.
"Pero siyempre joke lang yun. No to loveteam muna tayo ngayon, para walang issue. Solid Abrianna lang kami!" sabi ni Kessel na may pataas taas pa ng kamay.
Hay jusko Lord. Ano po bang ginawa kong kasalanan at binigyan niyo po ako ng ganito kabaliw na mga kaibigan?
"Hay nakoooo." sabi ko at napa-face palm na lamang ako dahil sa mga inasta nila.
Nakakatawa man at baliw ang dating pero I find it cute... Ganyan sila ka-supportive kaya mahal na mahal ko sila.
Sinong may balak magback out? Wala! Tuloy ang laban!
