Abrianna's POV
Napagdesisyunan kong dumaan sa bahay nila Darren ngayong gabi para iabot ang bracelet na bigay niya pala kay Macey dati.
Ayokong manatili sa akin yung bagay na hindi naman talaga sa akin.
Nang malapit na akong makarating sa tapat ng bahay nila, bigla siyang lumabas sa gate.
Biglang tumiklop ang tuhod ko at napatalikod. Akmang hahakbang na ako paalis nang marinig ko siyang sumigaw.
"Hoy!" sigaw niya na dahan dahang nakapagpalingon sa akin.
"B-Bakit?"
"Anong bakit? Bakit ka nandito?" naiinis niyang turan.
"Bakit galit ka kaagad? Oh!" pasigaw kong sabi sabay inihagis sa kaniya ang bracelet at nasalo naman niya ito.
"Ano 'to?" nagtataka niyang tanong habang tinitignan ang bracelet na hawak niya.
"Edi bracelet! Hindi ba obvious?" sabi ko sabay irap.
Tinignan niya lang ako nang masama kaya napatigil ako. May lahi ata itong halimaw eh. Yung parang ilang saglit lang, pwede ka niyang sakmalin dahil sa talim ng tingin niya.
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kaniya. Hindi naman sobrang lapit, medyo lang.
"Diba sabi mo, 'wag kong aangkinin yung bagay na hindi naman sa akin kaya ayan, ibibigay ko na sayo. Sayo naman galing yan diba?" paliwanag ko sa kaniya.
Tinignan ko ang mga mata niya. Wala na namang emosyon. At nakakunot ang noo nito.
"Wala ka man lang sasabihin?" dagdag ko pa dahil hinihintay ko talaga siyang magsalita pero hindi man lang bumubuka ang bibig nito.
"Wala naman akong dapat sabihin." sabi niya.
"Ay... Meron pala..." pahabol nito.
"Pwede bang umalis ka na?" tanong nito na medyo ikinagulat ko.
"At wag ka nang babalik pa." dagdag pa niya sabay tumalikod sa akin at pumasok na sa kanilang bahay.
Naiwan ako sa labas na parang naghahang ang utak dahil sa mga sinabi niya.
Pero medyo na-gets ko naman ang sinabi niya kaya nasaktan din ako.
Mabuti na lang at wala pa kaming malalim na pinagsamahan. As if naman diba? Mas okay na rin siguro yung ganito siguro. Tapusin ang dapat tapusin.
May mga taong dadaan lang talaga sa buhay mo, walang permanente sa mundo.
Hayaan mo, Darren. Wala nang mangungulit sa'yo.
× × ×
Darren's POV
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong sa akin ni Tito Chris nang bumaba ako sa hagdan.
"Hindi pa po. May hinahanap lang..." sagot ko sabay nagtungo sa kusina pero wala doon ang hinahanap ko. Nagtungo naman ako sa sala kung saan nandoon ngayon si Tito Chris na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
"Ano bang hinahanap mo kasi?" tanong niya nang mapansing kung saan-saang sulok na ako ng bahay naghahalungkat.
"May... May nakita po ba kayong ballpen?" tanong ko sabay napakamot ng ulo.
"Sus. Ballpen lang pala. Madaming ballpen dyan sa gilid ng TV." turo niya sa pen holder na nakalagay sa gilid ng TV pero umiling ako.