Darren's POV
"Tito, hindi na lang po ako sasama sa Cebu. Hindi ko po ata kakayanin yung biyahe."
"Ay, bakit naman? Palagi ka na lang nandito lang sa bahay simula nung dumating ka dito sa Pilipinas galing sa Canada. Hindi ka ba nabobored?" tanong niya sa akin.
"Hindi po, tito. Kahit naman po sa Canada, hindi din ako lumalabas. Enjoy na lang po kayo sa Cebu!" sagot ko sa kaniya na may medyo pilit na ngiti.
"Sigurado ka ha? Basta i-update mo lang ako dito kung may hindi magandang mangyari. Alagaan mo sarili mo. 1 week lang akong mawawala. Babalik din ako. Lumabas labas ka naman nang may sariwang hangin kang masagap." pagpapaliwanag niya sa akin.
"Okay na po ako dito sa bahay, tito. May TV naman tsaka internet." sagot ko.
"Okay, sige. Baka ma-late na ako sa flight ko..." sabi niya sa akin at tumalikod na. Sinamahan ko siya hanggang sa gate ng bahay namin.
"Basta Darren, alagaan ang sarili ha?" dagdag niya sabay ngiti.
"Opo. Ingat din po kayo." may tipid na ngiti kong sagot.
× × ×
Abrianna's POV
"Hey! Ano bang gagawin natin sa court? May program ba dun?" nagtatakang tanong ni Mikee sa akin.
"Wala, may titignan lang ako." tipid kong sagot.
Naglalakad kami papunta sa covered court. Nagbabakasakali kasi ako... Na makikita ko siya.
"Oh, nandito na tayo. Ano bang titignan mo?" tanong ni Kessel.
Tumingin ako sa paligid... Wala akong Darren na nakita...
"May load kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ako, meron." sagot ni Dhaylene.
"Pwedeng makitawag?"
Sobrang interesado na talaga ako kay Darren. Parang gusto ko talaga siyang nakikita na araw araw kaso baka kasama siya ni sir Chris sa Cebu ngayon.
Marinig ko lang boses niya, okay na ako.
"Sino naman tatawagan mo?" nagtatakang tanong ni Dhay sa akin.
"Eh basta... Emergency lang. Bilis naaaa. Please!" pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Ililibre kita ng isaw mamaya, promise!"
Agad agad naman niyang kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa ng palda niya.
O diba, ang bilis!? Pagkain lang talaga katapat.
"Ayun naman pala, thanks!" sabi ko sabay tanggap ng kanyang phone.
Sure akong number ni Darren ang tumawag sa akin nung isang gabi at sinave ko agad talaga yun.
Sana sumagot...
× × ×
Darren's POV
Narito lang ako sa kwarto ko at nakaupo habang may sinusulat sa notebook ko.
Hindi ako nag-aaral. Nag-aaral lang ako through internet... Pag sinipag. mas madami ka pa ngang matututunan sa internet kaysa sa school eh. Pero feeling ko, mas masaya sigurong pumasok sa eskwelahan.
Wala na akong magulang. Last year lang sila namatay dahil sa aksidente sa Canada kaya naisipan ni Tito na ampunin na lang ako at pauwiin dito sa Pilipinas.
Yung older sister ko, may asawa't anak na. Simula nung bumukod si Ate Kaye sa amin, wala na kaming balita sa kaniya.
Literal na mag-isa na lang ako, pero laking pasasalamat ko na kinuha ako ni Tito Chris. Hindi ko talaga siya tito, hindi kami magkadugo. Kaibigan lang talaga niya sila Mommy at Daddy at napalapit na rin ako sa kaniya simula pa nung bata pa lamang ako.
Wala din akong mga kaibigan... Wala.
Ang tahimik dito sa bahay nang biglang tumunog ang phone ko. Unknown number pero sinagot ko.
"Hello po, sino po sila?"
"Ah... Darren, ikaw ba 'yan?" tanong ng babae sa kabilang linya.
"Opo, sino po sila?"
"A-Ako si Abrianna. Yung estudyante ng tito mo." pagpapakilala niya.
"Ah okay. Bakit?"
"Nasa Cebu na kayo?" tanong niya.
"Si Tito Chris, nandun na."
"Eh ikaw? Hindi ka sumama?" tanong niya ulit.
"Hindi." tipid kong sagot.
"Ay bakit?" tanong na naman niya.
Bakit ang kulit ng babaeng 'to? Close ba kami?
"1 week lang si Tito Chris sa Cebu. May iba ka pa bang itatanong?"
"B-Busy ka?" tanong niya.
"Oo." walang emosyon kong tugon.
"Y-Yung folder pala na binigay mo kahapon, m-may ballpen sa loob ng folder. Baka k-kay sir Chris yun." sabi niya.
"Huh? Parang wala naman. Chineck ko yun eh, puro papel lang ang laman." nagtataka kong turan
"Eh.. M-meron talaga. Isasauli ko sana mamaya pag-uwi ko galing sa school." sabi niya.
"Kahit wag na." sabi ko sabay in-end ko na ang call.
Ayoko ng iniistorbo ako at hindi ako sanay makipagusap sa taong hindi ko naman kilala.
× × ×
Abrianna's POV
Naiinis ako. Kinakausap ko naman siya nang maayos tapos bababaan ako ng tawag? Ang harsh.
Pero sa totoo lang, wala naman talagang ballpen dun sa folder, imbento lang yun. Da moves diba.
Kahit sinabi niyang huwag na, ibibigay ko pa din 'tong ballpen. Hindi ko din alam kung bakit ballpen pa ang naisip ko. Jusko Abrianna.
Nasa harap na ako ng bahay nila Darren....
Hingang malalim...
*dingdong*
Bumukas na ang pinto ng bahay at lumabas ang lalaking kanina ko pang gustong makita.
Naglakad na ito papalapit sa gate at binuksan ito.
"Diba sabi ko, huwag mo nang ibigay? Kung meron man talaga, sa'yo na lang." pambungad niya sa akin na nakapoker face.
Meron ba 'to ngayon? Joke. Ba't sobrang sungit? Hmp.
"Ah eh, gusto ko lang naman ibigay. Oh eto na nga." sabay abot sa kaniya ng ballpen.
"Madami akong ballpen dito, hindi ko na kailangan yan. Salamat na lang." walang emosyong sabi niya sa akin habang nakatingin sa balllpen na hawak ko.
"Tanggapin mo na."
Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ko sa palad niya ang ballpen.
Bubuka pa sana ang bibig niya dahil parang may gusto siyang sabihin pero naunahan ko siyang magsalita.
"Hindi mo ako papapasukin man lang?" sabi ko sabay silip sa loob.
"Hindi." matipid niyang sagot.
"Umuwi ka na, gabi na." dagdag pa niya at tuluyan nang isinarado ang pinto.
Watda? Anong klase yung lalaking yun?
Agggghhhh!
Kung hindi ka lang gwapo, hindi kita pagtitiyagaan.
Hindi man lang nagawang magthank you at ngumiti. Wala bang ngipin yun? Tsk.
• • •
Sana po sa lahat ng nga nagbabasa, nagcocomment at nagvovote, huwag po kayong magsawa dito sa story dahil nagsisimula palang ito. 😉 Labyu labyu! 💚
TW: @tsinigowden
