Darren's POV
"Good morning." nakangiti kong bati sa sarili nang magising.
Mabilis akong bumangon at kumilos. Inihanda ang mga gamit ko para sa klase mamaya.
Lunes na naman at may pasok na ulit. Excited akong pumasok ngayon kasi, basta.
"Maganda ata ang gising mo ah. Kanina ka pa nakangiti magmula kanina." nakangiting sabi ni Tito Chris sa akin nang makapasok ako sa loob ng aming kotse.
"Hindi naman po masyado." natatawa kong tugon.
Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa aming school.
"Masyado na akong nagiging busy kaya hindi ko na alam kung kamusta na 'tong binata na 'to. Kamusta ka na nga ba?" tanong niya sa akin habang nagmamaneho.
"Ayos lang po ako. Masaya." nakangiti kong sagot.
"Masaya ako na masaya ka. Nga pala, sabi sa akin ng adviser niyo, ikaw daw ang top 1 sa section niyo. Sorry kung late pero gusto ko lang sabihin na proud ako sa'yo." natutuwang turan ni Tito at saglit akong binalingan habang nagmamaneho.
"Thank you po tito." masaya kong tugon.
Mabilis ang mga pangyayari. Natapos na ang second grading at ako ang naging Top 1 sa section namin. Sobrang nainspired ata...joke lang. Nagtuloy tuloy na ang lahat. Mula sa pagkakaibigan namin ni Abrianna, naging kaibigan ko na rin ang mga kaibigan niya...si Dave na lang talaga ang tanging hindi ko pa nakakasundo. Natuto na rin akong makihalubilo sa mga kaklase ko at iba pang tao sa school.
Nang makarating sa school, agad kong binuksan ang pinto ng kotse at bumaba dala dala ang mga gamit ko.
Nagpaalam na si Tito sa akin na papunta na siya sa TLE room at mukhang nagmamadali na ito.
"ESPANTOOOOOO!" sigaw ni Dhaylene habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Oh, bakit na naman ba liit?" pang-aasar ko dito.
"Huwaw. Kapre ka naman." inis niyang sambit.
"Haha! Bakit nga?" tanong ko dito.
"Jusko, nandito na pala ang prinsipe." bungad ni Mikee at kasama nito si Kessel.
"Prinsipe?" nagtataka kong tanong dito.
"Eto oh, prinsipe ka daw ng buhay niya." sabi ni Kessel sabay abot ng isang papel sa akin. Huhulaan ko, love letter na naman ito.
"Sa susunod, pakisabi diyan sa mga manliligaw mo, huwag naman kaming gawing hulugan ng mga sulat. Nakakaistorbo kaya." inis na turan ni Mikee.
Natawa na lang ako sa kaniyang sinabi.
"Bakit niyo kasi tinatanggap pa?" tanong ko sa kanila.
"Edi ang suplada naman namin kung hindi namin tatanggapin. Hindi naman kami katulad mo." sagot ni Dhaylene sabay irap.
"Oh, bakit sa akin kayo nagagalit? Hindi ko naman kasalanan kung..."
"GWAPO KA?" sabay sabay na sigaw nilang tatlo.
"Thanks." natataw kong sagot.
"By the way, where's Abby?" tanong ko.
"Sa puso mo." sagot ni Kessel.
"Sa puso kamo ni Dave." nangaasar na sabi ni Dhaylene.
"Edi wow. Nasaan nga?" ulit kong tanong.
"Kung makapagtanong naman 'to, parang hindi sila magkikita mamaya. Nasa library po, alam mo namang busy yun sa pagiging journalist." tugon ni Mikee.
