Abrianna's POV
Hindi man kami ang nanalo sa contest, masaya pa din ako dahil naging successful ang performances namin.
"Ingat kayo!" sabi ko sa mga kaibigan ko habang kumakaway.
Pauwi na silang lahat at kakaunti na lamang ang nasa school ngayon. 9:00pm na natapos ang contest.
"Nak, tara na?" aya ni Mama sa akin.
Ngumiti ako bilang tugon pero natigil ako sa paghakbang nang mamataan ko si Darren mula sa malayo.
"Uhm, Ma. Wait lang po ah?" sabi ko sabay naglakad na papalapit kay Darren.
"Hey." bati ko dito.
Napatingin siya sa akin at biglang umaliwalas ang mukha niya. Kanina kasi'y parang napakalungkot nito nung makita ko siya sa malayo. Ngumiti siya sa akin at gayon din ako.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya.
"Uuwi na ako, kasama ko si Mama. Ikaw, hindi ka pa uuwi?" tugon ko dito.
"Hindi pa. Hinihintay pa si Tito. May mga kausap pa atang teachers." sagot
niya."Ahhh... Sige. Una na ako ah? Ingat ka...kayo ni Sir Chris." nakangiti kong sabi.
"Sige. Mag-ingat din kayo." tugon nito.
Tumango tango lang ako at tumalikod na. Naglakad na ako patungo kay Mama. Muli akong napalingon sa kaniya at napansin kong nakatingin pa din ito sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Ganun rin siya. Pero nararamdaman ko mula pa kanina, may iba sa ngiti nito. Yung masaya naman siya pero makikita mo sa mata niya na hindi.
× × ×
Nang dahil sa pagod, hindi na ako kumain pa ng dinner. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko, nagbihis nang pantulog at ibinalibag ang sarili sa kama.
Nakahinga ako nang maluwag nang marealize ko na tapos na ang contest. Sa wakas! Ang tanging problema ko na lang ay ang paghahabol ng mga activities.
Papikit na sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Wala gana kong inabot ito mula sa study table.
"Hey." bungad niya.
"Oh, bakit ka tumawag?" tanong ko kay Darren.
"May gagawin ka bukas?" tanong niya.
"Hmmm... Wala naman. Pahinga lang." sagot ko.
"Yayayain sana kita..." sabi niya na ikinakunot naman ng noo ko.
"Saan?" tanong ko dito.
"Dun sa secret park." sagot niya.
"B-Bakit?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Wala lang. Bakit? Bawal ka?" sagot nito.
Sabado naman bukas pero madami akong kailangang gawin dahil nga kailangan kong maghabol. Pero tatanggi pa ba ako?
"What time?" tanong ko.
"Basta. I'll pick you up na lang." sagot nito.
"Hala, huwag na." pagtanggi ko dito.
Baka kasi kung ano pang maisip ni Mama kapag sinundo niya ako dito. Alam niyo naman yun. Tsaka nakakahiya din kay Darren.
"I insist." matipid niyang tugon.