Maganda ang sikat ng araw ngayon. Malamig at malakas ang pag-ihip ng hangin. Rinig ang mga huni ng mga ibon sa paligid pero mas malakas ang tibok ng puso niya ngayon.
Hawak niya ang kamay ng taong mahal niya habang pinagmamasdan ang magandang paligid. Wala na atang mas gaganda pa sa babaeng katabi niya ngayon, pakiramdam niya ay napakablessed niya. Siya na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo. Hindi niya aakalaing ang babaeng pinagtutulakan niya palayo noon ay ang babaeng habang buhay niyang hahabulin saan man siya mapunta ngayon.
Siya ang babaeng bumuo sa pagkatao niya at dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon. At patuloy siyang mabubuhay para dito.
Ang babaeng nagturo sa kaniya kung paano mabuhay nang masaya, kung paano muling magtiwala at kung paano ulit magmahal kahit pa gaano kasalimuot ang naging nakaraan niya. Ang babaeng tinanggap siya nang buong buo at walang pag-aalinlangan. Ang babaeng nagparealize sa kaniya kung gaano kahalaga ang buhay at kung gaano kaganda ang mundo.
Pinagmamasdan niya lang ngayon ang maamo at magandang mukha nito at hindi niya maiwasang mapangiti. Nakapaperpekto nito para sa paningin niya at wala na siyang hihilingin pa.
"Staring is rude." biglang sabi ng babaeng kasama niya na ikinagulat naman niya kaya siya napayuko.
"I'm sorry. I just can't help it." nahihiya niyang tugon. Natawa na lamang ang kaniyang kasama sa kaniya.
"Tara na?" pag-aaya ni Abrianna.
"Ayoko, mamaya na. Dito muna tayo. Sosolohin muna kita." sabi niya sabay niyakap ang asawa mula sa likuran nito.
"Darren... Masosolo mo naman ako mamaya. Hinihintay na nila tayo dun." sabi ni Abrianna.
"5 minutes." tugon naman niya. Hindi na nagsalita ang babae at nanahimik na lamang.
Hinawakan niya ang kamay nito at hinila papunta sa gitna ng malawak na parke. Umupo siya rito.
"What are you doing? Tumayo ka diyan, madudumihan 'yang damit mo. Puting puti pa naman 'yan." saway nito sa kaniya pero tinawanan niya lang 'to.
"Edi magpapalit." sabi naman niya.
"Hay, ang kulit mo pa rin talaga Mr. Espanto." inis nitong sabi.
"Ang sungit mo pa rin talaga, Mrs. Espanto. Umupo ka na lang rin dito." utos niya sa asawa niya pero tinignan lang siya nito ng masama.
"Nakakamatay naman 'yang tingin mo." sabi niya.
"Nakagown ako so paano ko magagawang umupo dito? Baliw ka talaga. Halika na nga, hinihintay na nila tayo dun, 'wag ka nang pasaway." paalala ni Abrianna pero umiling lang siya.
"No, hindi pa tapos ang 5 minutes. Dito ka na kasi, tabihan mo naman ako." pagmamakaawa niya dito. Walang nagawa si Abrianna kundi sumunod sa utos ng asawa niyang makulit. Ang haba pa naman ng wedding gown nito na suot niya ngayon at puting puti.
"Akala ko ba bibisitahin lang natin 'to?" tanong ni Abrianna sa kaniya.
"Ang tagal nating hindi nakapunta dito noh, kaya sulitin natin. Mamaya pa naman magsisimula ang wedding reception."
"I'm sure na marami nang tao ang nandun." sabi naman ni Abrianna. "Baka gusto mong dito na rin tayo maghoneymoon ah?"
Napangisi naman siya bigla sa sinabi ng asawa. "Wow. Hindi mo naman ako sinabihan na gusto mo na palang maghoneymoon, edi sana wala nang wedding reception." sabi niya sabay kindat dito.
"Argh! What I mean is... Err! Darren! Nasabi ko lang yung kasi ayaw mo nang umalis dito. Tumigil ka nga diyan!" nahihiyang sabi ni Abrianna sa kaniya at binatukan siya. Nakita naman niya ang pamumula ng mukha ng asawa kaya hindi niya mapigilan ang pagtawa.
"Ewan ko sa'yo. Kung ayaw mong umalis dito, iiwanan na lang kita." inis niyang sabi at tumayo na mula sa pagkakaupo.
Agad namang tumayo si Darren at pinagpagpag ang kaniyang damit para habulin ang asawa. Mukhang naasar ata ito kaya kailangan niya na namang suyuin. Hinawakan niya ang kamay nito para mapigilan ito sa paglalakad.
"Sorry na, love. Joke lang naman yun. Sige, tara na. Alis na tayo dito." panunuyo nito at niyakap ang asawa at hinalikan ito sa kaniyang ulo. Hinawi niya ang konting buhok na humaharang sa magandang mukha nito at inipit sa gilid ng kaniyang tainga.
Saglit niyang hinalikan ang labi ng asawa at niyakap ulit.
"Aray ko naman! Bakit?" reklamo niya nang hampasin siya ni Abrianna sa kaniyang dibdib.
"Magnanakaw ka talaga kahit kailan." inis niyang sabi at tinignan ito nang masama.
"I know. Pero walang magnanakaw kung walang magpapanakaw....Gusto mo rin naman eh. Sus." panunukso naman niya dito at binigyan niya ito ng mapang-asar na ngiti.
"Kanina ka pa ah!" aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. Natawa na lamang si Darren at sinundan ito. Hinawakan niya ang dulo ng gown nito para hindi mahirapan ang asawa niya dahil sa haba nito.
Sa huling pagkakataon ay muli nilingon ang parke na kung saan nagsimula ang lahat, ang parkeng naging saksi sa pagmamahalan nilang dalawa. Ang kanilang secret park.
Isa ito sa mga masasayang araw ng buhay niya. Ikinasal na siya sa taong mahal niya at kailan man ay hindi na niya sasayangin pa ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng Diyos na makasama ang pinakamamahal niyang babae habang buhay. Susulitin na niya ang pangalawa niyang buhay at iaalay ito nang buong buo kay Abrianna Estrella na ngayon ay ganap nang Mrs. Abrianna E. Espanto.
Habang buhay siyang magpapasalamat sa Diyos na nakilala niya ang babaeng ito. At nangangako siyang hinding hindi na niya ulit bibitawan ang mga kamay nito at sabay nilang lalakbayin ang buong mundo. At excited na siyang harapin ang panibagong kabanata ng buhay niya kasama ang mahal niya.
THE END
