32 • Gratitude

566 23 20
                                    

Abrianna's POV

Ang sunod naman naming pinuntahan ay sa Tagaytay Picnic Grove. Ang ganda ganda talaga doon kahit mataas ang lugar. May fear of heights kasi ako. Tiniis ko lang talaga yung pagkalula ko para lang hindi ako masabihang KJ. Haha.

"Picturan mo dali!" sabi ni Mikee kay Dhaylene nang makitang natutulog si Kessel.

Nandito kami ngayon sa van ulit nila Darren. Pabalik na kami sa bahay ni Ate Cheeng. Mukhang napagod kaming lahat. Maggagabi na nga rin eh kaya naisipan na naming umuwi na at bukas na ipagpatuloy ang paglilibot sa Tagaytay.

"Ang sama sama niyo talaga!" saway ko sa mga ito pero patuloy pa rin silang kumukuha ng litrato sa kaibigan naming natutulog nang nakanganga ngayon.

Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa din lalo na nang ipakita ni Mikee sa akin ang mga picture na nakuha nila kay Kessel. Si Kessel talaga ang pinakakawawa sa aking magbabarkada. Palaging nabubully. Haha.

"Ssshhh. Hinaan niyo yung tawa niyo, baka magising. Lagot kayo diyan." natatawa kong turan sa kanila.

Sila Macey, Dave at Darren naman ay mga tahimik lang. Kami lang talaga ang maingay. Si ate Cheeng ay nakikitawa lamg din sa amin. At si Sir Chris ay busy sa pagmamaneho.

Nakakapagod pero masaya lalo na't kasama ko sila. Ganun naman talaga eh, kapag nag-eenjoy ka, hindi mo mararamdaman yung pagod pero kapag tapos na yung moment, makakaramdam ka na ng pagod. Pero yung makita mong masaya yung mga kaibigan mo, nakakawala ng pagod yun.

× × ×

"Good morning." bati ko sa akin sarili nang magising.

Kinusot kusot ko ang aking mata at nagunat-unat.

"Anong good morning? Good afternoon na." biglang sabi ni Dhaylene na kasama ko sa kwarto.

Nasa iisang kwarto lang kaming mga girls at nasa kabilang kwarto ang boys. Malaki talaga ang kwarto dahil tigi-tigisa kami ng kama nila Macey, Dhaylene, Kessel at Mikee.

"Anong oras na ba?" tanong ko dito. At napansin kong nakabihis na ito ng pang-alis. Anong meron?

"1:30pm na po madam." sagot naman ni Mikee na kakarating lang at kakapasok lang sa kwarto. Nakabihis na rin ito. Hindi na ako nagulat na hapon na pala ako nagising. Ang sarap kayang natulog kaya kapag may pagkakataon, sinasagad ko na talaga tapos ang lamig pa. Tsaka sembreak naman eh.

"Bakit nakapang-alis kayo? Saan kayo pupunta?" tanong ko sa dalawa.

"Kasama ka. Maligo ka na nga at magbihis. Huwag kang pa-special, ikaw na lang hinihintay." inis na sambit ni Mikee.

"Edi sana kasi ginising niyo ako agad." tugon ko.

"Aba malay ba namin kung magigising ka kaagad eh kahit magpatugtog pa kami ng banda diyan sa harap ko, hindi ka magigising eh." sabi ni Dhaylene.

"Okay okay. Huwag niyo na akong sermonan. Maliligo na nga eh." sabi ko sabay tayo.

"Bilisan mo prinsesa, maghihintay lang po ang iyong mga alagad sa labas." rinig kong sabi ni Mikee bago sila tuluyang lumabas ng kwarto at naiwan akong mag-isa.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon