Chapter 7: Get out
Sashetness! Bakit ko sinabi 'yon?
"Uh..." Nag-isip muna ako ng magandang palusot. "Joke lang! Ang funny ko, 'no? Huwag mong seryosohin, baka atakihin ka sa puso!" saad ko at tumawa ng pilit.
"Nagulat ako sa doon, ah!" natatawa niyang sabi. "Pero alam ko namang hindi bakla ang mga 'yon, e," aniya at ibinaling ang atensyon sa mga larawang nasa harapan namin.
Nakahinga ako ng maluwag. Lusot!
"Kilala mo ba sila?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
"Oo."
"Talaga? Bakit mo sila kilala?"
Kasi kapit-bahay ko sila at pinagta-trabahuan ko ang mga malalanding 'yon.
"Basta friends kami," saad ko at tumawa ng alanganin. "Anong year na ba sila?"
"Freshmen rin."
Halos magkaka-edad lang pala kami?
Napatango ako at ibinaling rin ang tingin sa mga larawan. Nakuha ng atensyon ko ang isang larawan kung saan nakahiga silang lima sa damuhan.
"Close talaga kayo, 'no?"
"Oo, sana nga habang buhay na lang kami ganito."
"Malapit ka din ba kina Dwight at Aiden?" tanong ko.
"Oo naman," sagot niya.
"Anong klaseng tao ba sila? May nararamdaman ka bang kakaiba sa kanila?"
"Kakaiba?" Umakto siyang parang nag-iisip bago umiling. "Wala namang kakaiba sa kanila. Teka, akala ko ba kilala mo sila?"
"Kilala ko nga, 'di lang kami close."
"Ah..." aniya at tumango-tango. "Si Aiden, mabait 'yon. Gentleman din at matalino. Pinag-aagawan siya ng mga girls dito sa campus. Mr. Right nga ang tawag sa kanya, e, but no girlfriend since birth 'yon. Tinanong ko nga siya kung bakit. Sabi naman niya, inuuna niya raw ang priorities niya at he's not interested daw magka-girlfriend."
E sa boyfriend ang hanap niya, e.
Nanatili na lamang akong tahimik kahit nangangati na akong sumabat at ipagsigawang bakla ang dalawang 'yon. Sinasabing hindi ako magaling sa ganito, e!
"Si Dwight naman, kabaliktaran ni Aiden. Palaging nakakunot ang noo no'n at parating high blood. Saka kung si Aiden pinag-aagawan ng mga babae, si Dwight naman ay kinababaliwan na nila. Halos magpatayan na nga ang mga kababaihan dito para sa kanya. I can't blame them, pogi naman talaga si Dwight---and no, he's not my type. May Traver na ako..." Itinikom ko nalamang ang bibig ko. Tutuksuhin ko sana siya kaso inunahan niya naman ako. Tsk.
"...Plus, he's smart and rich. In fact, family nila ang may-ari ng school na 'to."
Napaawang ang bibig ko. Sila pala may-ari ng university'ng to? Edi sobrang yaman nila? Ang mahal-mahal kaya ng tuition fee dito! Idagdag mo pa na mula high school hanggang college ang school na 'to. Tapos 'yong mga college students, per semester ang pagbayad ng tuition. Kung tutuusin, makakabili na ako ng lifetime supply ng wrong turn merchandises sa presyo no'ng tuition fee. Sobra pa nga!
Bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang apat na tila mga anak ni Adonis.
Lahat sila ay nagulat nang makita ako. Lalong-lalo na sina Dwight at Aiden.
Ngumiti ako ng alanganin at kumaway. "Hi."
"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong Dwight.
"Naglalaba," biro ko. "Hindi, joke lang. Dito ako nag-aaral," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...