Chapter 34: Gone Too Far
Tinext ko si Dwight na nasa parking lot ako. Dito na ako dumiretso pagkatapos ng pag-uusap namin ni Aiden.
Nag-reply naman siyang papunta na raw siya. Tinanggal ko ang cooling pad sa aking pisngi na nabasa kanina dahil sa luha at inayos ang sarili. Tahimik lamang akong naghintay.
Ilang sandali pa ay dumating na si Dwight. Dumilim ang kanyang mukha ng makitang namumugto ang mga mata ko.
"What happened?"
"Nag-usap lang kami," saad ko at tipid na ngumiti. "Tara?"
Sinuri niya muna ako. Napabuntong hininga siya at naglakad patungo sa sasakyan niya. Sumunod naman ako.
Nang nakasakay na kami ay agad niyang sinimulang magmaneho. Walang ni isang nagsalita sa amin. Nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho at ako naman ay nakatulala lamang. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Pagod mula sa kakaiyak at sa mga nangyari.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dwight kasabay ng pagtigil ng sasakyan. Napalingon ako sa kanya.
"Bakit ka huminto?"
"Wala ka ba talagang planong magkwento tungkol sa nangyari?" seryoso niyang sabi habang nakatingin pa rin sa harapan.
Napakunot ang aking noo. "Sinabi ko naman na, ah? Nag-usap kami, Dwight. 'Yun lang. Pinaliwanag ko na rin sa'yo kanina kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Ano pa ba ang gusto mong marinig?"
Sa wakas ay tiningnan niya ako. "You have no idea how much I was over thinking, Sally. Muntik na akong mabaliw kakaisip kung ano na ang nangyayari sa inyo, kung ano na ang ginagawa niyo o kung ano ang pinag-uusapan niyo," aniya.
"I was so scared that after you guys talk, you'll realize that it's him that you actually really like. Damn it, I almost lost my mind thinking about those and what you're doing now doesn't help." puno ng hinanakit ang boses niya.
"Dwight," tawag ko. "Akala ko tapos na tayo dito. Pinaliwanag ko naman na sa'yo na ikaw ang gusto ko hindi ba? 'Yung pinag-usapan namin ni Aiden, sa amin na lang 'yon." pagod kong sabi.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, I'm sorry." aniya at muling binuhay ang makina. Hindi niya na ako tiningnan o kinausap.
Bigla akong na-guilty. Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Dwight, walang nagbago, okay? Ikaw pa rin ang gusto ko."
Hindi siya sumagot.
Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lamang siya. Tinanggal ko ang aking kamay at tahimik na tumingin sa bintana.
Pagdating namin sa condo ay wala pa rin siyang imik. Alam kong masama ang loob niya sa akin pero pagod na pagod ako at baka mag-away lang kami kung pilitin ko pang pag-usapan namin 'to ngayon.
Nang narating namin ang aming palapag, hinatid niya pa ako papunta sa aking unit. Magkatabi lang naman ang unit namin pero hinatid niya pa rin ako sa tapat ng aking pinto.
Hindi muna ako pumasok. Hindi ko matiis na hindi siya kausapin.
"Galit ka ba sa 'kin?" malungkot kong tanong.
Napailing siya. "I'm not mad, nagtatampo lang."
Napanguso ako. "Huwag ka nang magtampo, please?"
Tipid siyang ngumiti. "I know you're tired, take some rest."
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...