Chapter 4: Hired
Magdamag lang akong tambay sa loob ng aking unit. Paano, e, wala naman akong trabaho. Wala akong pinagkaka-abalahan. Dalawang araw na rin simula noong insidente sa elevator at hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho.
Nanonood ako ng Wrong Turn habang yakap-yakap ang unan na may mukha ng cute na cannibal. In-order ko 'to online kasi naku-cute-an talaga ako sa kanila. Gusto kong itabi sa pagtulog.
Napatingin ako sa pinto nang biglang may nag-doorbell. Si Tita siguro.
Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan. Napa-angat na lang ang kilay ko nang hindi si Tita ang tumambad sa harapan ko kundi dalawang nagguwa-guwapuhang...
...bakla.
"May kailangan kayo?" tanong ko.
"May alam na akong puwede mong pagtrabahuan," ani Dwight.
Kumislap naman ang mga mata ko. "Talaga?"
Tumango siya. "Papasukin mo muna kami."
Agad ko naman silang pinapasok at pinaupo sa sala.
"Nanonood ka niyan?" tanong ni Dwight. Nakatingin siya sa TV at nakitang naka-pause ang movie.
"Oo, Ikaw ba?"
Tumango siya.
"Talaga? Laugh trip 'no? Saka 'yung mga cannibal! Jusko, nakakagigil," sabi ko at niyakap ang unan na may mukha ng cannibal.
Dwaiden na lang ipapangalan ko sa kanya. Pinaghalong pangalan nina Dwight at Aiden. Kasing cute nila 'yung cannibal, e.
"Siya si Dwaiden! Pinaghalong pangalan ninyong dalawa. Kayo kasi naaalala ko tuwing tinitignan ko 'to, e," sabi ko at inilapit sa kanila ang unan kong si Dwaiden.
Napaurong naman paatras si Aiden samantalang si Dwight ay sinamaan ako ng tingin.
"The fuck?"
Nanlaki ang mga mata ko at akmang sisitahin siya dahil sa pagmumura nang tumikhim ang kanina pa tahimik na si Aiden. Agad napunta sa kaniya ang atensyon ko.
"Anyway, sinabi sa akin ni Dwight ang tungkol sa paghahanap mo ng trabaho. So, game ka naman sa kahit na anong trabaho diba?"
Nagpatango-tango naman ako. "Oo naman, game na game! Pero syempre 'yung marangal na trabaho lang sana. Saka kung pwede, part time lang. Nag-aaral pa kasi ako."
"Sigurado ka ba talagang magta-trabaho ka? Kaya mo bang balansehin?" tanong ulit ni Aiden.
Muli akong tumango. "Ayokong maging pabigat kay Tita. Nakakahiya na sa kaniya."
Ngumiti siya. "Okay then, you're hired."
"Ha? Anong hired?" naguguluhan kong tanong.
"Hired ka na bilang yaya. Yaya namin. Simple lang naman ang gagawin mo. Maglilinis ng condo, magluluto saka susundin ang mga utos namin. Hindi ka naman namin papahirapan."
Nanlaki ang mga mata ko. "Yaya niyo? Ang magaganda hindi ginagawang yaya!" gulat kong saad.
Yaya nila? Seryoso? Okay lang naman sa aking maging yaya, e. Pero yaya nilang dalawa? Susmaryosep. Ayokong maging witness ng pagbabadingan nila.
Napangisi si Dwight. "E kaya nga ikaw ang gagawin naming yaya, e. Hindi ka naman maganda so okay lang."
Nanlaki ang mga mata ko. Aba't!
"Huwag mo na siyang pansinin," ani Aiden. "Pasensya ka na, akala ko kasi okay lang sa 'yo. Saka 'di ba sabi mo, game ka kahit na anong trabaho? Matagal na rin kasi naming pinag-iisipan noon pa na kumuha ng yaya. Saka, gusto ka naming tulungan. Kung papayag kang maging yaya namin, at least malapit lang ang pagta-trabahuan mo. Hindi rin kailangan na buong araw, nasa unit ka namin. As long as nagawa mo na ang trabaho mo, pwede ka nang umalis. So, why don't you think about it?"
Napayakap ako kay Dwaiden. Ang ganda ng offer nila. Kaso nagdadalawang-isip pa rin talaga ako, e.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...