Chapter 15: Sorry
"Are you ready, Sally?"
Nginitian ko ng pilit si Tita. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan papunta sa bago kong school.
Oo, lumipat na ako. Sinabi ko ang totoo kay Tita. Hindi siya nagalit sa akin. Sa katunayan, gusto niya pang kausapin nang harapan ang ama ni Aya. Nagalit siya sa ginawa nito sa akin. Pero siyempre, pinagsabihan niya rin ako tungkol si ginawa ko. Sabi niya, hindi raw maganda ang gumanti.
Hindi naman sa gumanti ako, pinaglaban ko lang talaga ang sarili ko. Sobra na ang ginawa niya, e.
Sa totoo lang, ayaw ni Tita na lumipat ako. Sayang daw ang nasimulan ko sa school na 'yon kahit na ang totoo ay puro kabaliwan lang naman ang nasimulan ko doon. Pero nanghihinayang din ako sa mga kaibigang nakilala ko. Sina Crystal, Coleen, Dylan, Traver, tapos si Aiden. Nakakalungkot lang na kailangan ko silang iwan doon.
Kahapon kami huling nagkita-kita. Nanood kami ng sine tapos kumain at nagkaraoke sa isang restaurant. Muntik na nga akong maiyak kahapon, e. Hinding-hindi ko sila kakalimutan.
"Nandito na po tayo," sabi ni Manong.
Sabay kaming bumaba ni Tita. Napatitig ako sa bago kong paaralan. Malaki rin siya pero mas malaki pa rin 'yong kina Dwight. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan ko na namang mag-adjust.
Sinamahan ako ni Tita sa admin building. Nalaman kong dito pala nag-graduate si Tita ng college at nakakatuwa dahil alam pa niya ang mga pasikot-sikot.
Nakuha na namin ang schedule ko. Nakipag-chikahan muna si Tita sa Dean at pinauna na ako. Magpapa-sponsor lang 'yan para sa alumni, for sure.
Iniwan ko na doon si Tita at hinanap na ang building at classrooms ko. Pero kung minamalas nga naman, malaki 'yong school at hindi ako na-orient kaya malay ko ba kung saan hahanapin ang mga 'to. Napakamot ako ng ulo.
"Can I help you, miss?" Napalingon ako sa biglang nagsalita at nanlaki ang mga mata ko.
"Dylan?" gulat kong sabi.
"The one and only." Abot langit ang ngiti niya.
"Anong ginagawa mo dito? Teka---" Napatakip ako ng bibig nang makitang nakasuot siya ng panlalaking uniform ng university na 'to. "Dito ka rin mag-aaral? Bakit? Paano?"
"Wala lang, nakakabagot na do'n, e," natatawa niyang sabi.
"Nagjo-joke ka ba? Bakit nga?"
"Hindi nga, 'yon talaga ang totoo! Promise!" Itinaas niya pa ang kanang kamay niya at tumawa.
"Ewan ko sa'yo. Adik," sabi ko at tumawa na rin.
"Saan ka nga pala pupunta?" tanong niya. Ipinakita ko naman ang schedule ko sa kaniya.
"Ah, ayun ang building niyo, oh." Tinuto niya ang building na medyo malapit lang sa amin.
"Paano mo naman nalaman?"
"Kasi kami ang may-ari ng school na 'to," sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Talaga?"
"Hindi, joke lang 'yon," aniya at tumawa. "May nakasulat na label oh, ayun." Tinuro niya ang banner nung building at nakasulat nga ang course ko.
Hinampas ko naman siya. "Sira ka talaga!"
Tinawanan niya ako. "Hatid na kita," tumatawa niya pang sabi. Nakitawa na lang din ako.
Masaya akong nandito siya. At least hindi na ako nag-iisa. Kakalimutan ko nalang ang ginawa niyang pagpapaasa sa akin noong hindi niya man lang ako tinext matapos niyang hingin ang number ko. Matagal naman na 'yon, saka kaibigan na lang ang tingin ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...