Chapter 51: Apart

35 1 0
                                    

Chapter 51: Apart

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Napagdesisyunan kong hindi na lamang pumasok. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay agad akong nagtungo sa unit ni Dwight. Gusto ko lang masiguro na ayos siya.

Ilang beses akong nag-doorbell. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko kaya hindi ako sigurado kung nandito siya. Napagdesisyunan kong kapag walang magbukas ng pinto pagkatapos ng panghuli kong doorbell, papasok ako. Alam ko na ang passcode niya. Titingnan ko lang kung nasa loob siya, wala akong ibang gagawin maliban na lang kung may nangyaring masama.

Akmang pipindutin ko na ulit ang doorbell nang biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang kagigising lang na si Dwight. Kunot noo niya akong tiningnan.

"What?" walang emosyon niyang sabi.

"K-Kumusta ang pakiramdam mo?"

"I'm fine."

Napakagat ako ng labi. Sana totoo na lang 'yon. Sana totoong ayos siya.

"Kung may kailangan ka, nandito lang---"

"We broke up, remember?" putol niya.

Natigilan ako. Alam kong magulo ang isip at nararamdaman niya ngayon kaya siya nagkakaganito. Saka tama naman siya, e. Hiwalay na kami. Ako pa nga ang nakipaghiwalay. Sinaktan ko siya at basta-bastang tinapon gaya ng sinabi niya.

"Normal pa rin naman na mag-alala ako hindi ba?"

Tinitigan niya ako sandali bago bumuntong hininga. "I just want to be alone right now."

Malungkot akong ngumiti at tumango. "Naiintindihan ko. Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo, Dwight."

Hindi na siya sumagot kaya nagpaalam na lamang ako. Bumalik na ako sa unit at magdamag na nagmumok sa kwarto.

- - -

"You'll get through this, Sally."

Niyakap ako ni Coleen. Pinilit kong ngumiti at tumango. Naiyak ko na lahat noong mga nakaraang araw. Napagod na ata ang mga mata ko dahil wala nang lumalabas na luha.

Kami lang ang magkasama ngayon sa hideout. Nagpaalam ang mga kaibigan namin dahil pupunta sila sa lamay ni Tito. Hindi naman malapit si Coleen rito kaya pinili niya na lang akong samahan.

Huling araw na ngayon ng pasok. Sa susunod na linggo ay tatlong araw ang ilalaan para sa mga Christmas party. Hindi ako interesado at wala akong balak dumalo.

Ilang araw nang hindi pumapasok si Dwight at ang huling kita ko sa kaniya ay noong kinumusta ko siya sa unit niya. Hindi na siya roon umuuwi. Ang sabi ni Mia ay sinasamahan raw nito ang mama niya.

Mabuti 'yon. Kailangan nila ang isa't isa ngayon.

Nagpaalam na ako kay Coleen at umuwi na sa condo. Kailangan ko nang mag-ayos ng mga gamit dahil uuwi ako kina lola ngayong bakasyon. Nangako akong doon ako magpapasko at bagong taon.

Agad akong nag-impake kahit na sa makalawa pa ang alis ko. Gusto ko lang abalahin ang sarili ko. Sinimulan ko na rin ang mga assignment na ibinigay sa amin. Ayos na rin 'yon para wala na akong problemahin.

Kinabukasan ay abala pa rin ako sa mga bring home activities. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa cellphone ko, umaasang magpaparamdam si Dwight. Palagi kong pinipigilan ang sarili na mag-text at tumawag dahil baka maisturbo ko lang siya. Isa pa, mukhang ayaw niya na akong makausap. Kaya naman, si Mia ang palagi kong kinukulit. Sa kaniya na lang ako nakikibalita.

Wala raw ibang kinakausap si Dwight maliban sa ina niya. Ayon rin sa kaniya, hindi lumalapit si Dwight sa kabaong ni Tito. Ikinalungkot ko iyon. Mukhang hindi niya pa rin kayang makita ang ama niya na wala nang buhay.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon