Chapter 50: For the Better
"The operation was successful," bungad ng doktor pagkalabas nito ng operating room. "The patient has been transferred to the PACU. By tomorrow, he can go back to his private room. His chemotherapy might affect the postoperative outcome so we will have to continue monitoring him. But as of now, the patient is doing fine. He's still unconscious pero puwede niyo na siyang bisitahin mamaya."
"Thank you, doc," sabi ng mama ni Dwight. Nakayakap si Dwight sa kaniya.
Nagpaalam na ang doktor at naiwan kaming tatlo roon sa waiting area.
"Thank God your father is okay," umiiyak na sabi ni Tita.
"Don't cry mom," pagpapatahan ni Dwight dito.
"You'll stay until he wakes up, right?" umaasang tanong ni Tita.
"I don't think that's a good idea..." aniya at bumuntong-hininga.
"Your father wants to see you, anak."
"It might be bad for his condition. Let's wait until he has recovered enough, okay?"
Wala nang nagawa ang ina niya. Binigyan kami ng senyales ng nurse na puwede na naming silipin si Tito. Kailangan muna nilang mag-sanitize bago pumasok. Hindi na ako sumama at sumilip na lamang sa pinto. Sandali ko lang nahagip ang hitsura niya ngunit napansin ko kung gaano na ito kapayat kumpara noong huli ko siyang nakita. Wala na rin siyang buhok. May naka-kabit sa kaniyang oxygen mask at mga apparatus.
Tahimik lamang akong naghintay sa labas. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang pumasok sa loob kaya tumanggi akong sumama.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Tita. Mag-isa lamang siyang lumabas.
"He asked for some privacy," sabi niya at lumapit sa akin. "How are you?"
Hindi ko napigilang mailang. "Ayos lang po."
"How about Dwight? I heard he's working part-time. He's already so thin and he looks like he's being deprived of sleep."
Napayuko ako. "Tama po kayo, Tita..."
"Please do something," malungkot niyang sabi. "Sayo lang siya makikinig. He can't survive on his own yet, and his father needs him now the most. Gusto kong magkaayos na sila. Please help me, hija."
Nangilid ang mga luha ko. "S-Susubukan ko po siyang kausapin."
Nanlaki ang mata niya. "You mean...the marriage, right? Tutulungan mo kaming mapapayag siya?"
Nag-iwas ako ng tingin at tumango. "Opo."
Buo na ang desisyon ko. Ito lang ang paraan para maayos ang lahat. Kapag napapayag ko siya, magkakasundo na ulit sila ng tatay niya. Maibabalik na rin ang kotse at mga credit card niya. Hindi niya na kakailanganing mag-trabaho.
Hindi na siya maghihirap.
Umiyak si Tita at bigla akong niyakap. "Thank you, Sally."
- - -
Pasulyap-sulyap ako kay Dwight habang nagmamaneho siya. Namumula ang mga mata niya ngunit hindi ko iyon pinuna. Tahimik lamang siya simula pa kanina.
Dumungaw na lamang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga gusaling nadadaanan namin. Ayoko munang isipin ang gagawin ko. Ang mga sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko 'yun gagawin.
Ayokong gawin.
Napakagat ako sa aking labi at pinigilang maiyak. Hindi ko kaya 'to. Iniisip ko pa nga lang na ipagtatabuyan ko siya, na hindi na kami puwede pagkatapos ng gagawin ko, naiiyak na ako. Nadudurog na ako sa sakit.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...