Chapter 28: Competition

177 13 3
                                    

Chapter 28: Competition

Parang sumabog ang puso ko. May kung ano sa tiyan ko na nagwawala. Nag-iinit rin ang mukha ko at hindi ako makapag-isip ng maayos.

"A-Ano'ng sabi mo?" tulala kong sabi.

Lumayo na siya sa akin ngunit hindi siya nag-iwas ng tingin. "I said---"

Marahas na bumukas ang pintuan. Iniluwal nito ang galit na galit na si Dwight. Nanlaki ang mga mata ko at sabay pa kaming napatayo ni Aiden sa pagkabigla.

Sa hindi inaasahan ay sumugod si Dwight at laking gulat ko nang sinuntok niya si Aiden.

"Dwight!"

Mabilis akong tumakbo at hinawakan ang braso ni Dwight upang pigilan siya. Nang makita kong napa-upo si Aiden sa sahig at duguan ang labi, agad kong binitawan si Dwight para daluhan siya.

Tinulungan ko siyang tumayo. "A-Ayos ka lang?"

Hindi siya umimik. Pinunasan niya ang dugo mula sa kanyang labi at masamang tinitigan si Dwight.

"ANO BA'NG PROBLEMA MO?" Hindi ko napigilang sigawan si Dwight.

Umigting ang kanyang panga at bigla niya na lamang akong hinila paalis. Sinubukan kaming pigilan ni Aiden ngunit dahil sa iniindang sakit ay hindi siya nagtagumpay. Nagpupumiglas rin ako pero masyadong malakas si Dwight.

"Ano ba! Bitiwan mo 'ko!"

Walang patao-tao sa palapag na kinatatayuan namin kaya rinig na rinig ang sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad habang hila ako. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko kaya hindi ko napigilang mapadaing.

Agad siyang napatigil at hinarap ako. Binitiwan niya ang kamay ko at biglang lumambot ang ekspresyon niya.

"I-I'm sorry."

Umakyat ang dugo ko papunta sa aking ulo. "Ano ba kasi ang problema mo, ha? Bakit ka biglang sumugod? Walang ginagawa si Aiden sa'yo!"

Hindi niya ako tinignan. Nag-iigting ang kanyang panga at nakayukom ang kanyang mga kamao. Halatang nagpipigil siya.

"Sagutin mo ako! Ano ang problema---"

"He just said it because he thinks he's starting lose."

Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa malayo.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Dwight? Anong matatalo? Sino?" gulong-gulo kong sabi. "Sagutin mo ako, Dwight."

Huminga siya ng malalim at tiningnan ako sa mata. "I like you too, Sally. So damn much it's driving me crazy."

Napanganga ako sa sinabi niya. "A-Anong...hindi kita maintindihan."

Hindi iyon ang inaasahan kong sagot.

Mistulang nanghina ang mga tuhod ko. Para ring tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita.

"We both want to win you over," aniya. "But I know you like him more. Ako naman talaga ang talo dito. I just..."

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya at napayuko na lamang.

Napasinghap ako. "Ibig sabihin ginawa niyo akong kumpetisyon? Isang bagay na puwedeng panalunan?"

Nag-angat siya ng tingin. "It's not like---"

"Dwight, leave her alone."

Napalingon ako sa likuran at nakita si Aiden. Malamig ang kanyang mga titig. Naglakad siya papalapit sa akin at tinabihan ako.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon