Chapter 29: Birthday Bash

141 11 0
                                    

Chapter 29: Birthday Bash

Nagising ako dahil sa ingay ng pagkatok ni Mia sa pintuan ng aking kwarto. Hindi muna ako bumangon at nakipagtitigan lamang sa kisame.

"Sally! Hindi ka lalabas?" Hindi ko siya sinagot at nanatiling tulala.

Mas nilakasan niya ang pagkatok. "Hey! Wake up!"

Napabuntong-hininga ako. Pilit akong bumangon at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Papasukin mo ako."

Tumabi ako upang makapasok siya. Dumiretso siya sa kama at umupo. Hindi ako umalis sa pwesto ko at tinitigan lamang siya.

"Close the door and sit beside me."

Para akong tutang sumunod sa mga utos niya. Tinabihan ko siya sa kama at nanatiling tahimik.

"Now, tell me. What the hell is wrong?" Nakahalukipkip siya at nakakunot pa ang noo. Mukha siyang iritado pero kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Wala."

"Wala? You've been acting weird these past few days and you'll tell me wala?"

Kinagat ko ang aking labi nang maalala ang mga nangyari. Sariwa pa rin sa akin ang nangyari kahapon. Kung paano ko iniwan si Dwight at kung paano ko pinagmasdang umalis si Aiden, alalang-alala ko pa.

"You locked yourself up the whole day. Ni hindi ka pumasok. Your friends are worried."

Yumuko lamang ako. Buong araw akong nasa loob ng kwarto. Lumalabas lang ako tuwing nagugutom. Nawalan ako ng ganang pumasok. O maski kumilos.

"Pagod lang ako."

"From what? Hindi ka naman ganyan, ah? Why don't you just tell me what's wrong?!"

Napangiwi ako sa pagtaas ng kanyang boses. "Mia, salamat sa pag-aalala pero ayaw ko ng gulo. Iwan mo na ako dito," ani ko at tumayo upang buksan ang pintuan.

Matalim niya akong tiningnan. Nakaupo pa rin siya sa aking kama. "Your friends, pupunta sila dito. You should prepare," aniya at padabog na umalis ng kwarto.

Pupunta ang mga kaibigan ko? Kasama ba si Aiden? Si Dwight?

Napabuntong-hininga ako. Hindi pa ako handang makita sila. Bumalik ako sa kama at ibinaon ang sarili sa kumot. Ilang sandali pa ay muling may kumatok sa aking kwarto.

"Sally?" tawag ni Crystal.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagtakip ng mukha gamit ang unan. Narinig kong bumukas ang pinto. Nakalimutan kong i-lock!

"Halatang gising ka. Huwag kang ano."

Bumangon na lamang ako at naupo. Isinandal ko ang likod ko sa headboard at pinagmasdan siyang umupo sa tabi ko.

Hinawakan niya ang aking noo. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"

Umiling ako at ibinaba ang kamay niya. "Hindi, okay lang ako."

"Then bakit hindi ka pumasok?"

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kakaiba rin ang kinikilos mo nitong mga nakaraang araw. Ang tahitahimik mo. May problema ba?"

Kinagat ko ang labi ko. Ayaw ko sanang sabihin pero baka sumabog ako. Hindi ko kayang sarilihin.

"Ano kasi..." Napahinga ako ng malalim. "Si Dwight at Aiden, sabay na umamin sa akin. Tapos akala ni Dwight gusto ko si Aiden at akala naman ni Aiden, gusto ko si Dwight. Ang gulo na. Alam kong pareho na nila akong iiwasan."

Nanlaki ang mga mata ni Crystal. "Oh my God! Totoo?"

Napapikit ako at tumango.

"Well, obvious namang may gusto sa 'yo si Aiden, pero si Dwight? Tapos sabay pa silang umamin? I'm shocked!"

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon