Chapter 9: Unknown Number
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Napasulyap ako sa orasang nakasabit sa pader at nakitang sakto lang ang oras ng paggising ko.
Agad akong bumangon at nagtungo sa kusina para mag-almusal. Habang naghahanda ng makakain ay tumunog ang phone ko. Agad ko itong dinampot at nakitang may nag-text.
From: +639**********
'Morning 😊.'
Napakunot ang aking noo. Sino 'to? Agad akong nagreply.
To: +639**********
'Hu u?'
Hindi na ulit nagreply 'yung unknown number kaya hinayaan ko na lang. Baka na-wrong send lang.
Tinapos ko muna ang pagkain ko saka naghanda na para pumasok. Ngayon na ang simula ng klase. Medyo kinakabahan na natatae---este nae-excite ako. Ano kaya ang pakiramdam ng maging college student?
- - -
"Manong, dito na lang ako."
"Ma'am naman, malayo pa po ang lalakarin niyo. Hindi ka po ba napagod kahapon?"
Kasalukuyan akong nasa loob ng sasakyan. Sinundo ulit ako ng driver ni Tita. Nasa harapan na kami ng gate at gusto ko nang bumaba.
"Sige na nga po. Pumasok tayo sa gate tapos doon niyo na lang ako ibaba sa may mga bench, malapit naman na iyon sa school."
May mga bench kasi sa gilid ng daan papunta sa school.
Napabuntong-hininga si manong. "Sige po."
Ipinasok ni manong ang sasakyan sa loob ng gate. Ibinaba niya ako doon sa may mga upuan, gaya ng sabi ko. Nagpasalamat ako at hinintay siyang umalis. Nang nakaalis na siya ay naupo ako sa isang bench. Tiningnan ko ang relong nakasabit sa aking pulsuhan at nakitang quarter to 8 pa lang. 9:00 pa ang klase ko pero plano kong pumasok 30 minutes bago magsimula ang klase.
Dito ako bumaba dahil gusto ko lang maglakad papunta sa school. Ang ganda kasi ng daan na dinadaanan papasok sa mismong school kasi para siyang parke. May naglalakihang puno saka mga benches sa gilid ng daan. Idagdag mo pa na mahangin dito. Masarap tambayan. Hindi rin gaanong mainit ngayon.
Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Sobrang payapa. Konti pa lang ang dumadaang mga sasakyan.
Bigla akong nakaramdam ng antok at hindi ko na namalayang tuluyan na akong nakatulog.
- - -
"Sally, gising."
Naramdaman ko ang marahang pagtapik ng kung sino sa pisngi ko. Naalimpungatan naman ako at nagulat nang makita si Aiden. Muntikan na akong maduling sa sobrang lapit ng mukha niya. Agad kong inilayo ang mukha ko at tumikhim.
"Paano ako napunta dito?" tanong ko.
Nasa loob na ako ng isang sasakyan. Napatingin ako sa harapan at nakita si Dwight na seryosong nagmamaneho. Pareho kaming nasa likod ni Aiden.
"Gising na pala si tanga," sabi ni Dwight.
Nagkasalubong ang aming tingin sa rear view mirror kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Ako ba ang tinatawag niyang tanga? Aba! First honor kaya ako noong kinder!
"Huwag mo na siyang pansinin, Sally," ani Aiden.
Inirapan ko muna si Dwight bago humarap kay Aiden. "Nakita ka naming tulog sa gilid ng kalsada. Pinagkakaguluhan ka nga, e. Maraming kumukuha sa 'yo ng litrato."
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...