Chapter 30: Don't Deserve

130 12 1
                                    

Chapter 30: Don't Deserve

Masakit ang aking ulo nang magising ako kinabukasan. Pero hindi katulad noong huli akong uminom, naaalala ko pa ngayon ang mga nangyari kagabi.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Hindi ako makapaniwala! Lumakas ang loob ko dahil sa alak kaya't kung ano-ano na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Napahawak ako sa labi ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hinalikan ako ni Aiden!

Hindi ako masaya. Mabigat sa pakiramdam. Maling-mali!

Sinabunutan ko ang sarili ko. "Bwesit ka, Sally!"

Ilang beses akong tumili at nagwala sa kama pero ilang sandali pa ay kumalma rin ako. Inayos ko ang sarili ko at nagtungo sa kusina para maghanap ng gamot para sa sakit ng ulo at ng makakain na rin.

Habang naghahalungkat ako sa ref ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng unit. Napakunot ang noo ko nang makita si Mia. Ingat na ingat siya sa kaniyang mga kilos at mukhang hindi niya pa ako nakikita.

"Ngayon ka lang umuwi?" tanong ko.

Napalingon siya sa akin at mukha siyang nakakita ng multo. "O-Oo," aniya. Inayos niya ang magulo niyang buhok at dumiretso sa kanyang kwarto.

Lumipad ang isip ko. Hindi ba't magkasama sila ni Dwight sa party? Tapos ngayon lang siya umuwi. Buong gabi silang magkasama? Ano'ng ginawa nila?

Umiling ako ng ilang beses. Hindi ko na dapat isipin 'yon. Mukhang hindi naman seryoso sa akin si Dwight kaya hindi ko na siya dapat pakialaman. May sariling pag-iisip na rin naman si Mia kaya hahayaan ko na lamang sila.

Talaga, Sally? Sino ang niloloko mo?

Napapikit ako. Kaya kong magpanggap na walang pakialam, pero alam ko sa sarili kong meron.

Huminga ako ng malalim at sinubukang iwaglit iyon sa isipan ko. Tinuon ko na lamang ang atensyon sa pagluluto.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Nag-aya si Crystal na mamasyal. Sanay na raw siya sa hang-over kaya nagawa pang gumala. May ibang lakad si Coleen kaya't hindi siya makakasama. Si Dylan naman ay nagpapahinga dahil sa party kagabi. Si Traver ay inatasan daw na magbantay sa mga kapatid niya. Sina Dwight at Aiden, hindi na kami nag-abalang imbitahin sila. Baka gulo lang ang mangyari.

Pagsapit ng alos-dose ng tanghali ay saka lang lumabas si Mia sa kanyang kwarto. Mukhang nahimasmasan na siya. Nakaligo na rin ito at balik na sa normal ang kanyang mga kilos.

"Nagluto ako, kumain ka na," saad ko. Nagsusuot na ako ng sapatos at hinihintay na lamang ang pagdating ni Crystal.

Tumango si Mia at tinapunan ako ng tingin. "Saan ka pupunta?"

"Nag-aya kasi si Crystal na mag-mall. Gusto mong sumama?"

Napaisip muna siya sandali. "Well, wala rin naman akong gagawin today. Can I join you guys?"

Ngumiti ako. "Oo naman."

"Okay, kakain lang ako sandali. I'm really hungry."

Tumango lamang ako at pinanood siya. Kinagat ko ang aking dila. Pinipigilan ko ang sarili na magtanong, pero hindi ko rin kinaya.

"Pumunta ka pala sa party ni Dylan?" panimula ko.

Natigilan naman siya at nag-angat ng tingin sa akin. "You saw me?"

Napakagat ako sa labi ko at tumango. Hindi muna siya nagsalita at tinapos ang kinakain niya. Nang matapos siya ay saka niya lang ulit ako kinausap.

"Kung nakita mo ako, then I believe nakita mo rin si Dwight?" seryoso niyang utas.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon