Chapter 49: Worry

28 1 0
                                    

Chapter 49: Worry

"Dwight," tawag ko. "Kain na."

Napakurap siya. "Right, I'm sorry," aniya at sinimulang kainin ang lunch pack na hawak niya.

Nag-aalala ko siyang pinagmasdan. Tulala na naman siya. Ilang araw na siyang wala sa sarili at mukhang kulang sa tulog. Palagi niya lang sinasabi na huwag akong mag-aalala kahit na alam kong hindi siya okay.

Simula nang kunin ang kotse at mga credit cards niya, madalas na siyang sumabay sa akin tuwing nagpapakuha ako kay Ma'ng Damian, ngunit minsan ay nagco-commute siya mag-isa. Alam kong hindi siya sanay pero nahihiya na siguro siya, kaya minsan ay sinasabayan ko na lang siyang mag-commute. Nagtitipid na rin siya ng pera at nalaman kong hindi na siya kumakain minsan.

"May problema ba si Dwight?" bulong ni Coleen.

Napatingin ako sa kaniya. "Mamaya na lang natin pag-usapan," sagot ko at muling sinulyapan si Dwight.

Kausap niya na sina Dylan. Nakakahalata na rin ang mga kaibigan namin ngunit tuwing may nagtatanong sa kaniya, mabilis siyang umiiling at sinasabing ayos lang siya. Wala pang nakakaalam sa kanila tungkol sa nangyari. Hindi namin napag-usapan kung sasabihin ba namin sa kanila, pero gusto kong malaman nila.

Nang matapos ang lahat kumain ay isa-isa na silang nagpaalam dahil may mga pasok pa sila. Kami na lamang ni Coleen ang natira dahil pareho kaming bakante nang oras na iyon. Hinintay namin si Crystal na katatapos lamang ng klase. Maglu-lunch pa lamang siya. Mag-iba ang schedule namin ngayong araw.

"So, what's up?" tanong niya habang ngumunguya ng pagkain.

"Yeah, ano'ng meron?" usisa ni Coleen.

Huminga ako ng malalim bago ikwinento sa kanila lahat ng nangyari. Sinabi ko lahat mula sa pag-uusap namin ni Mia, hanggang sa nangyari noong nakaraang Linggo.

"Oh my God," ani Crystal. Napatigil na siya sa pagkain. "That is so messed up."

"Paano na? Ano'ng plano mo?" nag-aalalang tanong ni Coleen.

Napapikit na lamang ako at sumandal sa upuan. "Hindi ko alam. Ano ba ang dapat kong gawin? May dapat ba akong gawin? Hindi ko na rin talaga alam."

"Hindi naman siguro matitiis ni Tito si Dwight," saad ni Crystal.

"Well it's been a week, wala pa ring nangyayari. Baka seryoso talaga ang papa niya."

Iyon rin ang naisip ko.

"Bwesit naman kasi 'yang Mia na 'yan, e. Akala ko pa naman mabait, mas malala pa pala kay Aya," maktol ni Crystal.

"If kailangan niya ng tulong financially, maybe I can lend him some cash," suhestiyon ni Coleen.

Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti. "Hindi niya nga tinatanggap ang pinapahiram ko sa kaniya, e."

"Well, when it comes down to it, just tell me. Sure ako na kakailanganin niya rin ng tulong."

"She's right. I'm also willing to help," ani Crystal. "But the help he needs the most is from you. I'm sure this is also tiring him out emotionally. Sa pagkakaalam ko close talaga sila ng daddy niya noong high school, e."

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon