Chapter 38: Family Problems
"Dito ko na lang ilalagay ang mga gamit mo, Ate Sally."
"Ah, sige. Salamat, Patrick."
Pagkatapos dalhin ni Patrick ang mga gamit ko sa gilid ay nagpaalam na siyang bumaba. Si Penelope naman ay abala sa pag-aayos ng kama. Kuwarto ni Mama ang pinagamit nila sa akin.
"Tulungan na kita," sabi ko at tinulungan siya sa pag-ayos ng bedsheet.
Nang matapos kami ay bigla siyang tumalon at humiga sa kama. Napatitig lang naman ako sa kaniya dahil sa pagkabigla.
"Dito lang muna ako, ah? Ayoko pang bumaba. It's so crazy below there," aniya habang nakatingin sa kisame.
Natawa na lamang ako at naupo sa tabi niya. Kanina pa nangangati ang dila ko na tanungin siya tungkol sa nangyari.
"Ah, Penelope," tawag ko sa kaniya.
"Yes, Sally?"
Sa pagkakaalam ko ay mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon. Hindi ko na lang pinansin ang hindi niya pagtawag ng ate sa akin.
"Alam mo, ang ganda mo talaga," sabi ko.
Syempre, kailangan ko munang tumyempo.
Napabangon siya, "I know right!" ngiting-ngiti niyang sabi.
Ngumiti rin ako ng malapad, "Sa sobrang ganda mo, nagtataka tuloy ako. Ano kaya ang dahilan ng away nina Tito Ronald at Tito Lorenzo, 'no?"
"Ah! Ganito kasi 'yon, si Tatay---Teka! Niloloko mo ako, eh!" maktol niya at bigla akong hinampas ng unan.
"Aray! Joke lang naman, eh!"
"Hmp!"
Napakamot ako sa batok saka muling ngumiti ng malapad, "Pero ikwento mo naman sa akin ang nangyari. Sige na pinsan," sabi ko at ngumuso.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Huwag mo akong matawag-tawag na pinsan," mataray niyang sabi at padabog na tumayo. Nagulat naman ako.
Hala!
Hinawakan ko siya sa braso at pinigilang umalis, "Teka, Penelope! Sorry na---"
"Don't touch me!" sigaw niya at kinalas ang kamay ko habang nakatalikod sa akin. Nabigla ako sa ginawa niya. Muntik na akong maiyak pero pinigilan ko. Umatras ako palayo sa kaniya at hinawakan ang kamay kong nahampas niya.
Ayos naman kami kanina, ah?
"I said don't touch me! Bakit ang kulit mo? Bitiwan mo nga ako---ano ba! Bitiwan mo 'ko! 'Wag mo 'kong hawakan! Let it go of me!" sigaw niya habang pinaghahahampas ang hangin. Nakatalikod pa rin siya sa akin.
Naguguluhan ko siyang tiningnan, "Penelope, hindi na kita hinahawakan."
Napatigil siya at nilingon ako, "Ay, hindi na ba?"
Umiling ako.
Ngumiti siya at patalon-talong umupo ulit sa kama, "Ang galing kong umarte, no?"
Hindi ako nakapagsalita. Acting 'yon? Lanjo! May saltik itata 'tong babaeng 'to, eh!
"Sige na, umupo ka na dito," aniya at tinapik ang espasyong katabi niya, "I'll storytelling to you everything."
Nagdalawang-isip muna ako sandali bago nagdesisyong maupo. Kahit natatakot akong bigla na naman siyang umarte o ano ng walang pasabi, gusto ko pa rin malaman ang dahilan ng kaguluhan kanina.
Nagsimula na siyang mag-kuwento, "Ganito kasi 'yon, gustong ibenta ni Tito Lorenzo ang bahay at lupang 'to. Gagamitin niya daw para sa negosyo niya. Sa amin na ang buong bayad at kapalit raw ng pagbenta niya sa bahay na 'to, bibigyan niya pa kami ng bagong matitirhan sa Maynila."
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...