Shout outs!
Hi to:
abrakaDARA
AnnaMagat6
AmericanOreo_00
prinsesa_ice
YaziBlazePATI RIN YUNG MGA SILENT READERS AT YUNG MGA HINDI KO NA-MENTION.
SALAMAT SA VOTES AND COMMENTS NIYO. Pati rin sa support. 1k reads na ang GOF. Yey!
-
Chapter 19: Real Identity
"Nakaka-inis talaga! Ang mahal-mahal no'n, e! Papatayin ko talaga ang nagnakaw sa make-up kit ko," paghaharumintado ni Coleen.
"Make-up kit lang 'yan. Hindi pa katapusan ng mundo," naiiritang sabi Crystal.
"It was from Paris, eh!"
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa next subject namin. Magk-klase kami sa subject na iyon kaya sabay-sabay na kaming naglakad.
"Bakit ang tahimik mo, Sally?"
Napatingin ako kay Crystal. "Wala lang," saad ko.
"Sure?" Tinanguan ko siya.
"Wait, 'di ba you said na pumunta ka sa province kahapon to meet your grannys? What happened nga pala?" tanong ni Coleen.
Sinabi ko sa kanilang dalawa ang mga nangyari kahapon. Pati na rin ang tungkol sa mga kamag-anak ko. Ang hindi ko lang sinabi ay 'yung kasama ko ang dalawang bakla doon. Baka ma-echos pa ako.
Bigla ko namang naalala ang nangyari kahapon sa sasakyan ni Dwight. Bwesit. Sumasakit ang ulo ko.
"Sino sa inyo ang boyfriend ko?"
Biglang inapakan ni Dwight ang preno kaya napasubsob kaming tatlo sa harapan.
"Ano ba!" sigaw ko. Muntik nang ma-untog ang noo ko!
"S-Sorry," saad ni Dwight at muling pinaandar ang sasakyan.
Inismiran ko siya. "So, sino nga?"
Tumikhim si Aiden kaya napatingin ako sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili lamang siyang nakadungaw sa bintana.
Walang ni isang nagsalita sa kanila.
"Magsasalita kayo o ako mismo ang maglalantad sa kabaklaan niyo?" pananakot ko.
"It's me," sabay na sabi nung dalawa. Nagkatinginan naman sila dahil doon.
"Pinaglololoko niyo ba ako?"
"It's me, Sally. Napilitan akong sabihing ako ang boyfriend mo dahil they won't stop until one of us admitted," saad ni Aiden.
Bigla na namang itinigil ni Dwight ang sasakyan niya at hinarap si Aiden.
"What are you talking about?"
"I'm telling her what happened," may diing sabi ni Aiden.
"What the heck? That's not even what happened!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Jusko. Ano na naman ba 'to?
"Tumigil kayo. Hindi na kayo nakakatuwa," seryoso kong sabi at sumandal sa upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi sila pinansin.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...