Chapter 3: Stuck
"I'm in love with the shape of you, we push and pull like a magnet do~" kanta ko habang naliligo. Mabilis akong natapos kaya agad na akong nagbihis.
"Go, Sally!" sabi ko habang nakatingin sa salamin.Naka-jeans at blouse lang ako habang nakalugay ang buhok. Ngayon na ako maghahanap ng trabaho kasi malapit na ring magsimula ang pasukan. Sa susunod na linggo na. Kaya ko namang balansehin ang pag-aaral at trabaho, e. Kakayanin.
Tutulungan rin ako ni Tita sa mga gastusin sa school. Gusto ko sanang may maiambag kahit papaano at ayokong i-asa lahat ng gastusin ko sa kaniya kaya kailangan ko ng trabaho.
Kumain muna ako ng tinapay at nagkape bago umalis ng condo. Bitbit ko lahat ng kakailanganin ko. Nagtungo ako sa fast food chain na kinainan ko kahapon. Naghahanap kasi sila ng kahera.
In-interview ako at tinignan ng manager ang mga papel na dala ko.
"Ka-ano-ano mo si Mrs. Manificio? 'Yung sikat na may-ari ng McDope fast food chain saka Retorts World Manila?" tanong nito.
Napakurap ako. Kilala niya pala si Tita?
"Ah, step-mom ko po siya," nahihiya kong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Anong itsura niya sa personal? Mabait ba siya?"
"Naku, ho! Sobrang bait niya. Tapos ang ganda-ganda pa. Gusto niyo po bang ipakilala kita sa kanya?"
Kumislap naman ang mga mata niya. "Talaga? Sige!"
Napangiti ako. Uto-uto.
As if naman ipapakilala ko siya kay Tita. Baka sipsip lang 'to, e. Saka busy'ng tao si Tita, 'no.
"Sige hija, pasok ka na! Pwede ka nang magsimula bukas. Makakaalis ka na. Ikamusta mo 'ko sa step-mom mo ha?" aniya at kinawayan pa ako.
Magalang akong tumango at nagpaalam na. Jusko. Ganito lang pala kadali makahanap ng trabaho! Ni hindi man lang ako pinagpawisan!
- - -
Lord, ba't niyo ho ako pinapahirapan ng ganito? Ang hirap-hirap maghanap ng trabaho! Tagaktak na ang pawis ko! Walang tumatanggap sa akin dahil minor pa ako.
Nang maalala ko ang napag-usapan namin ng babae kanina ay mas lalong nag-init ang ulo ko.
Nanonood ako ng palabas sa TV, 'yung may mga cute na cannibal, nang biglang mag-ring ang phone ko.
"Hello?"
"Hello, good noon. Is this Ms. Sally Manificio?"
"Yes po."
"Ah, hija, ako 'yung nag-interview sa 'yo kanina. Pasensya ka na pero hindi ka namin puwedeng tanggapin."
"Po? E, 'di ba sabi niyo kanina, magsisimula na ako bukas? Ano pong nangyari?"
"E kasi, may mga nauna na pala sa 'yo. Hindi agad ako na-inform, e. Wala nang slot. Pasensiya na talaga, hija. Mayaman naman step-mom mo. 'Wag ka na lang magtrabaho."
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Novela JuvenilIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...