Chapter 33: Unfair
"A-Aray!" daing ko nang aksidenteng naidiin ng nurse ang ice bag sa pisngi ko.
"Sorry..." paumanhin nito.
"What are you doing? Do it right, will you?" kunot-noong sabi ni Dwight sa nurse.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Dwight! Respeto!" suway ko.
Bago na ang nurse na nandito. Mukha naman siyang mabait pero mas matanda pa rin siya sa amin, jusko!
Napa-irap si Dwight. "Fine, sorry. But please be gentle."
Natawa lamang yung nurse. "Ang cute niyo namang magjowa. Bagay kayo."
"I know," natutuwang sabi ni Dwight.
Napairap ako. Pero syempre kinilig din ng slight.
Pagkatapos ng nangyari kanina ay dinala niya ako dito sa clinic. Ayaw ko nga sana, may first aid kit naman kasi sa hideout pero sadyang makulit ang lahi nito.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya lang ito saka pinatay. Napataas ang kilay ko.
"Sino 'yon?" tanong ko.
"Just them..." aniya at sumandal sa pader habang pinapanood ang nurse na ginagamot ang sugat ko sa pulsuhan. Ang haba kasi ng kuko ni Aya. Ang yaman-yaman walang pambili ng nail cutter.
"Sina Crystal?" Tumango siya. "Dalhin mo kaya muna ang mga binili natin sa hideout? Siguradong gutom na sila."
Umiling siya. "They'll be fine. I'm not leaving you here."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Dwight, awat nga muna. Dalhin mo na 'yang mga pagkain sa kanila. Ngayon na."
"But---"
"Matatapos naman na kami. Susunod na lang ako. Huwag nang makulit, Dwight."
Napakamot siya ng ulo. "Fine! But if you don't come in ten minutes babalikan kita dito."
"Oo na! Alis na dali!"
"If Aya comes back and do something again please call me."
Nginitian ko siya. "Yes, sir."
Kinurot niya muna ang ilong ko bago umalis ng clinic. Bwesit!
Biglang natawa 'yung nurse. "Gaano na kayo katagal?" tanong niya.
Agad akong nakaramdam ng hiya. "Uhm... i-isang araw pa lang po."
Nagulat siya. "Talaga? Nakakatuwa naman," aniya.
Ngumiti na lamang ako. Nakakahiya talaga.
"Maswerte ka sa kaniya. Kitang-kita ko kung gaano siya nag-aalala para sa'yo."
"Kasalanan niya naman po 'to," biro ko.
Nagulat siya. Sineryoso niya ata ang sinabi ko. "Siya ang may gawa nito sa'yo?"
Natawa ako. "Nako, hindi po! 'Yung babaeng may gusto po sa kaniya ang gumawa nito sa 'kin."
Napataas ang kilay niya. "Talaga? Sabagay, napakagwapo naman talaga ng binatang iyon. Paniguradong marami ka talagang magiging kaagaw."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Tumawa siya. "Pero 'wag kang mag-alala, kita sa kaniya na ikaw lang ang babaeng gusto niya. Sana magtagal kayo."
Natapos na siya sa paggamot sa akin. Inabutan niya ako ng cooling pad. "Ilagay mo 'yan sa pisngi mo mamaya. Pero pagka-uwi mo sa inyo mas mabuti kung ice ang gagamitin mo para mas mabilis maibsan ang pamamaga."
"Sige po, maraming salamat." Ngumiti siya at tumango. "Alis na po ako."
Lumabas na ako ng clinic. Nakakailang hakbang pa lang ako nang naaninag ko si Dwight kasama ang mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
أدب المراهقينIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...