Chapter 8: Dailee
"For our final event, may we request the students to find a partner or buddy for we will tour the campus. Yes! We will finally get to see the beauty..."
Napakamot ako sa aking noo. Kailan ba matatapos ang orientation na 'to? Gutom na ako. Mahigit dalawang oras na akong nakaupo. Wala akong maka-usap dahil wala naman akong ni isang kakilala dito.
"Miss?"
Nilingon ko ang tumawag at kumalabit sa akin. Tumamabad naman sa harapan ko ang isang magandang babaeng nakangiti. Maputi siya, makinis ang mukha, matangos ang ilong, malaki ang mata, pero hindi naman kasing laki ng sa tarsier, perpekto ang pagkaka-ukit sa kilay---mukha siyang Barbie!
"Bakit?"
"May partner ka na?" nakangiti niyang tanong.
Umiling ako.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Pwede bang tayo na lang ang mag-partner? Wala akong ibang malapitan. Wala kasi akong kakilala, e."
Agad akong napatango."Sige ba! Wala rin akong kakilala rito, pareho lang tayo. Ano nga pala ang pangalan at course mo?" tanong ko.
"I'm Coleen Santiago. I'm taking up Business Ad. Ikaw?"
"Hala, parehas tayo! Ako nga pala si Sally Anne Manificio."
"Nice meeting you," aniya at nakipag-kamay sa akin. Ang lambot ng kamay niya! Kaiyak.
Kalaunan ay nagsimula na ang tour. Inikot namin ang campus, pero hindi na namin pinuntahan ang High School building. Ang tanging pinuntahan lang namin ay ang open field, garden, cafeteria, saka 'yung iba't-ibang building ng iba't-ibang departments at courses.
"Shocks, nakakapagod! Punta tayo sa cafeteria," anyaya ni Coleen.
Mabilis naman akong tumango. "Sige, gutom na rin ako. Tara."
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria. Pagdating namin, napanganga kami. Malaki naman 'yung cafeteria kaso sa sobrang gulo ng mga estudyante, nagmukha na itong palengke. Anak ba talaga ng mayayaman ang nag-aaral dito? Hindi naman sila ganito kanina noong nandito kami ni Aiden, ah?
Pumasok kami ni Coleen. Naglakad kami papuntang counter upang um-order. Tahimik lamang kaming pumipila nang biglang may sumingit sa harapan namin. Sinamaan ko sila ng tingin. Tatlong mga babaeng nagmukhang clown dahil sa kapal ng make-up ang nakapameywang sa harap namin.
"Bakit ang sama ng tingin mo? Hindi mo ba ako kilala? Wala kang karapatang tingnan ako ng masama," sabi ng babaeng mas kaunti lang ang make-up kumpara sa dalawa niyang kasama. Maganda na sana siya, ang pangit lang ng ugali.
Napatingin sa amin ang mga estudyanteng kanina lang ay may kanya-kanyang mundo. May mga humihiyaw, pumipito at pumapalakpak na animo'y mga manok kami na kanilang pinagsasabong.
"Excuse me, ano bang problema mo? Bakit ka nagagalit, e, kayo na nga 'tong sumingit?" angil ni Coleen.
Napasinghap silang tatlo. "How dare you talk back to me!"
Akmang sasampalin na ng babaeng kanina pa dakdak ng dakdak si Coleen nang biglang may nagsalita.
"What's going on here?"
Biglang tumahimik ang buong cafeteria. Napatigil ang babaeng sasampal sana kay Coleen at ibinaba niya ang kaniyang kamay. Kahit nakatalikod ako, alam ko kung kanino galing ang boses na 'yon.
"Dwight!" sigaw ng babae.
Tumakbo siya papunta kina Dwight at mahigpit niya itong niyakap. Nakita ko ang palihim na pag-irap ni Aiden. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...