Chapter 21: Ermia 'Mia' Abarquez
"Mia, matagal ka pa ba diyan?"
"Wait lang, matatapos na."
Napakamot na lang ako sa ulo. Trenta minutos na lang bago magsimula ang klase. Nandito pa rin ako sa condo at hindi pa nakakaligo.
Tapos na akong kumain, mag-toothbrush, mamlantsa, mag-ayos ng gamit, magwalis, mamunas, magpatulog kay Dwaiden, maghugas--- hindi pa rin siya lumalabas. Kala ko nga nabagok na ang ulo niya sa bowl.
"May pasok pa kasi ako, Mia. Pakibilisan lang kung puwede," naiinip kong sabi.
Hindi nagtagal ay naisipan niya ring lumabas. "Sorry for taking so long."
Hindi ko na siya sinagot at agad nang pumasok sa banyo upang maligo. Katulad kahapon ay mabilisang paligo na lamang ang ginawa ko at agad na nagbihis. Hindi ako lumagpas ng 5 minutes.
"Papasok ka na?" Tanong ni Mia. Bihis na bihis siya at kasalukuyang naglalagay ng make-up.
"Uhm, oo. Late na nga ako, e." Isinukbit ko na sa balikat ang aking bag.
Tumingin siya sa akin. "Look, I'm sorry okay? It's not my fault na matagal akong mag-prepare. Malinis kasi ako pagdating sa katawan at hindi sapat ang 5 minutes para doon. I hope you understand." Ngumiti siya bago bumalik muli sa pagme-make up.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita. Ganito ba talaga siya?
"Okay lang, sige alis na ako. Pakisara na lang ang mga pinto pag-alis mo. Paki siguro rin na nakatanggal sa pagkasaksak ang mga---"
"I'm not a kid, I know what to do," sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
Hindi na ako umimik at lumabas na. Pagkasara ko ng pinto ay muntik na akong masapo sa noo ng isang sofa. Teka, lumulutang 'yong sofa?
"Hija, ayos ka lang? Natamaan ka ba?" Napatingin ako sa matandang nakatayo sa pintuang katabi ng aking unit. Lumapit siya sa akin.
Napailing ako at ngumiti. "Hindi po, ayos lang po ako."
"Mabuti kung gan'on. Pasensiya ka na." Lumingon siya sa sofang lumulutang.
"Mga hijo mag-ingat kayo! Muntik na kayong makasakit. Tingnan niyo ang dinadaanan niyo!"
"Pasensya na po!"
Napatango-tango ako nang mapagtantong may nagbubuhat pala dito. Akala ko lumulutang na mag-isa, e. Sayang.
"Lilipat na po ba kayo?" tanong ko.
Kung lilipat nga, baka puwedeng si Mia ang pumalit. Tutal naghahanap naman siya ng matutuluyan.
"Oo, e. Nagmamadali nga kami kasi hanggang bukas na lang daw kami puwede dito dahil may bumili na raw."
"May nagmamay-ari na po?" dismayado kong tanong. Tumango naman ang matanda.
Sayang naman. Si Mia dapat ang mag may-ari no'n, e. Dahil kung hindi, mas mapapatagal pa ang pakikituloy niya sa akin. At kung gan'on, hindi ko alam kung kakayanin ko. Baka habambuhay na akong ma-late.
Naalala kong nagmamadali nga pala ako. Natatarantang nagpaalam ako sa matandang kausap. Mabilis akong tumakbo papuntang parking lot.
Pagkarating ko doon ay wala pa si Manong. Napatingin ako sa aking relo. Bumagsak ang mga balikat kk nang makita ang oras. Wala na, late na talaga ako.
"Sally!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Dwight, kasama ang bakla niyang jowa.
"Papasok ka na rin ba? Sumabay ka na sa amin," saad ni Aiden.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...