Chapter 39: Children's Party
Kinabukasan ay panibagong araw na naman. Tanghali na akong nagising. Pagkatapos kong ayusin ang hinigaan ko ay agad rin akong bumaba.
"Mabuti at nagising ka na, apo," bungad ni Lola.
Ngumiti ako ng alanganin, "Pasensiya na po kung napahaba ang tulog ko."
"Ano ka ba naman, ayos lang! Ikaw talaga, oo. Halika na at mag-agahan ka muna."
Sinamahan niya ako papunta sa hapag-kainan. Nadatnan naman namin roon si Patrick na lutang habang kumakain. Sabog ang hitsura niya at nakatulala lamang siya habang ngumunguya ng pagkain. Mukhang kagigising niya lang rin.
"Maupo ka na, apo. Ikukuha lang kita ng pinggan," sabi ni lola.
"Naku, huwag na po! Ako na po, lola."
Umiling siya at pinilit akong paupuin sa tabi ni Patrick, "Ako na, Sally. Hayaan mo na ako."
Ngumiti na lamang ako, "Sige na nga po."
Napangiti siya at agad nang nagtungo sa kusina. Bumaling naman ako sa nakatulala pa ring si Patrick, "Hoy, Pat."
Hindi siya kumibo at nanatiling lutang habang ngumunguya. Hindi ko nga alam kung may kinakain pa nga ba talaga siya.
Hinipan ko ang tainga niya kaya bigla siyang napabalikwas at muntik nang malaglag sa kaniyang upuan.
"Ate Sally naman, eh!" maktol niya.
Tinawanan ko siya, "Ikaw naman kasi! Bakit ka ba tulala diyan, ha?"
Napakamot naman siya sa ulo saka nagpangalumbaba, "Nag-away kasi kami ng ka-MU ko kagabi."
Napakunot naman ang noo ko, "MU? Ano'ng MU?"
Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin, "Luh, di mo alam 'yon?"
Umiling naman ako.
"MU, Mutual Understanding. 'Yung parang kayo ng taong gusto mo, pero walang kayo," paliwanag niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano daw?
"Basta! Pag pareho niyong gusto ang isa't isa, MU 'yon. Kapag MU kayo, para na kayong magjowa no'n! Ang pinagkaiba lang, hindi kayo magjowa."
Ah okay, gets.
"Ilang taon ka na nga ulit?" tanong ko.
"15."
Binatukan ko siya.
"Aray naman! Para saan 'yon?" irita niyang sabi.
Akmang sasagot na sana ako ng sakto namang dumating si Lola.
"Ano'ng nangyayari diyan?"
Ngumiti ako, "Naku, wala po! Nagkakatuwaan lang kami ni Patrick. Diba, Pat?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Napalunok naman siya at wala sa sariling tumango.
"Mabuti naman at mukhang magkasundo kayo," sabi ni Lola at inilapag ang plato sa harapan ko. Siya na rin mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ko.
"Oh, kumain ka ng marami, apo. Aalis na muna ako sandali, pupuntahan ko lang ang lolo mo."
Ngumiti ako, "Sige po, lola. Salamat po,"
Nang nakaalis na siya ay muli kong nilingon si Patrick, "Ikaw, ha! Ang bata-bata mo pa para sa MU-MU na 'yan," pangaral ko.
"Ate Sally naman, binata na ako! Saka ikaw nga, eh! Kayo ni Kuya Dwight!"
Aba, aba!
"Hoy, matanda na kami ni Dwight. Nasa tamang pag-iisip na kami kaya wala nang kaso 'yon. Ikaw, 15 ka pa lang. Ang bata mo pa, Patrick! May gatas ka pa sa labi!"
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Novela JuvenilIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...