Chapter 18: Meet the Grandparents
Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan. Mahigit isang oras na rin kaming bumibyahe pero wala pa ring bumabasag sa katahimikan. Kung alam ko lang talaga na mangyayari 'to edi sana nag-commute na lang ako.
Napabuntong-hininga ako at umayos ng upo. "Hindi ba talaga kayo magsasalita?"
Nilingon naman ako ni Dwight at nakita kong napasulyap si Aiden sa rear view mirror. Siya ang kasalukuyang nagmamaneho at katabi niya naman si Dwight kaya mag-isa lang ako dito sa likod.
Napagdesisyonan kong silang dalawa na lang ang isama. Isa lang naman kasi talaga ang dapat na isasama ko, e. Siyempre, ni wala nga akong kilala doon tapos magsasama pa ako ng kung sino-sino.
Kaso parehong makulit at pabibo ang dalawang 'to, e. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi ko sila isama. Halos magsuntu---sabunutan na nga sila, e.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dwight. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya.
Inabot ko naman sa kaniya ang papel na may adress. Hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar. Kinailangan ko pang i-search sa google para lang malaman kung nasaan at paano mararating ang lugar na 'yon. Mabuti na nga lang at alam pala ni Aiden ang daan papunta doon.
"You know this place?" tanong ni Dwight sa jowa niya.
Tumango naman ito at sinulyapan ako mula sa rear view mirror. "Sino nga pala ang pupuntahan mo doon?"
"Lolo't lola ko," tipid kong sabi at ibinaling ang tingin sa bintana. Tirik na tirik ang araw ngayon at puro mga puno ang nakikita ko sa gilid ng daan.
Sa totoo lang, kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi dahil sa air-con kundi dahil sa nerbiyos at kaba. Kanina ko pa iniisip kung ano ang itsura nila, kung mababait ba sila, at kung ano ang magiging reaksiyon nila kapag nakita nila ako. Ilang ulit ko na ring pinagpraktisan sa isip ko ang sasabihin ko sa kanila.
"You must be a great granddaughter. Do you usually visit them?" tanong ulit ni Aiden.
Umiling ako at sandaling sumulyap sa kanila bago ibinalik ang tingin sa bintana. "Hindi ko sila kilala."
"What?"
"What do you mean?"
At talagang sabay pa sila. Dapat ko bang sabihin sa kanila? 'Wag na lang.
"Ganito kasi 'yon..." sabi ko at ikinuwento sa kanila ang sitwasyon ko. Boring, e.
Hindi naman sila nakapagsalita matapos kong magkuwento. Namayani na naman ang katahimikan. Mapapanis ang laway ko nito.
Napatingin ako sa orasang nasa pulsuhan ko. 9:28 pa lang. Alas-otso kami nagsimulang bumiyahe at mukhang makakarating kami doon mamayang 12. Dalawa at kalahating oras pa ang itatagal ng byaheng 'to. Kailangan ko na atang lumunok ng isang litrong mouth wash.
Nagitla ako nang biglang tumunog ang radyo ng sasakyan. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan si Dwight ng tingin. Siya kasi ang nagbukas at ikinonekta niya ang phone niya doon sa speaker.
"Magsabi ka naman. Nangugulat ka, e." May halong inis kong sabi. Pero agad din naman iyong napawi nang marinig ko ang kanta.
"Araw araw ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka
Sa tabi ko o aking giliw di pa din ako makapaniwala
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...