Mahaba-habang ka-echosan 'to HAHAHA
So first of all, thank you for reading GOF! Salamat rin sa mga nag-antay at nag-abang mula umpisa, kung may natira pa man. 3 years rin bago ko natapos 'to, akalain niyo 'yon? Nagpa-iba iba na lang writing styles ko at lahat-lahat. Ilang beses kong pinalitan ang ending. Lahat na ata ng posibleng ending naisip ko na, e. Ilang beses ko na rin 'tong muntik i-delete!
Second of all (lol), sorry sa mga na-disappoint sa ending. Y'all probably cursing me right now. Ang tagal niyong nag-antay tapos ganito pala mangyayari. Well, this is the kind of ending I want so...
K, move on.
Salamat sa maganda at cute kong bespren na si Coleen (second name niya na lang para kunwari mysterious) at naliwanagan ako sa gusto kong mangyari sa storyang 'to. Narinig niya na lahat ng mga naisip kong ending para dito at maski ang mga stories na nakatambak sa drafts ko, nabasa/narinig niya na. Kaya, thank you sa support mana! Luvyu yieeew HAHAHA
This is my first full-length novel/story and to be honest, I'm not really proud of it. Bata pa 'ko nang simulan ko 'to, e. Ni wala pa nga akong ending na naiisip no'n. Oh diba, parang tanga lang. Kaya nahirapan akong ipatuloy siya dahil parang magkaiba na kami ng iniisip na daloy ng babeng naunang sumulat nito. 'Di ko na kilala 'yon, e.
Anyway, sa mga susunod kong stories (kung meron man,,,baka tamarin ako at abutin na naman ng 3 years) I want to do better. I want to make better stories na may sense at may matutunan ang mga mambabasa. I'm not sure about this one kasi wala talaga akong goal dito. Karamihan sa mga scenes/chapters dito spontaneously kong sinulat. As in nagpadala lang ako sa mga daliri ko tapos magugulat na lang ako na may scene na akong nagawa. Seryoso, totoo 'yon. Nakukuha ko mga ideas ko habang nagta-type. Pero syempre meron ring iba na pinag-isipan ko talaga.
Weird mo 'no? Ah, ako pala, sorry.
So 'yon, salamat ulit sa mga nagtiis sa storyang 'to. Padami nang padami ang reads, hindi ko alam saan kayo nanggagaling HAHAHA I-eedit ko 'to soon at baka nga i-revise ko pa dahil hindi ko talaga nagustuhan ang ilang kaganapan sa simula. Sobrang bilis, e. May date ata ako no'n. Harot.
Stay safe, everyone! Sa pandemic at sa nakamamatay na pamamahala ng gobyerno.
Lots of love,
patatassimist
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Novela JuvenilIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...